Advertisers

Advertisers

MMDA sinimulan na ang pagbabaklas ng mga campaign poster

0 2

Advertisers

INUMPISAHAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabaklas sa mga campaign posters nitong Miyerkules, Mayo 14 matapos ang 2025 midterm elections.

Kaakibat ng ahensiya ang Commission on Elections sa pagbabaklas ng mga campaign poster na sinimulan sa Regalado bridge sa Commonwealth Avenue sa lungsod ng Quezon.

Kabilang sa mga pinagbabaklas ay ang mga kabi-kabilaang tarpaulin na nakakabit sa poste, puno, pader at pampublikong istruktura sa ilang lugar sa Quezon City, Muntinlupa City, Pasay City at bayan ng Pateros.



Ayon sa MMDA, dadalhin ang mga nakolektang campaign materials sa ilang bases sa mga lugar sa Ortigas at Marikina.

Ibibigay na donasyon ang mga binaklas na campaign materials sa kanilang partner beneficiaries gaya na lamang ng mga piitan at organisasyon para sa mga may kapansanan sa Tahanang Walang Hagdan at sa environmental group na EcoWaste Coalition.

Nanawagan naman ang ahensiya sa mga kandidato na boluntaryong tanggalin ang kanilang campaign paraphernalia bilang pakikiisa sa kampanya para sa malinis at ligtas na kapaligiran.