Advertisers
Naaresto sa Bacolor, Pampanga ang caretaker ng isang dormitoryo sa Aklan na gumahasa sa isang tenant na 19-anyos na college student.
Sinabi ng pulisya na pinagkatiwalaan ang suspek na mamahala sa dormitoryo na mga estudyante ang nangungupahan.
Hanggang sa akusahan ng isang estudyante ng panggagahasa ang suspek sa mismong dormintoryo.
Nagtago ang suspek hanggang sa matunton siya at maaresto sa Pampanga.
“Alam natin mag-e-eleksyon, at siguro hindi niya inakala… busy ang kapulisan… na hindi na malalaman ‘yung kaniyang kaso,” ayon kay Police Brigadier General Jonathan Cabal, Director ng PNP Maritime Group.
Itinanggi naman ng suspek na pinuwersa niya ang biktima.
“Natukso lang kami nung gabi na ‘yun,” saad niya.
Umaasa siyang maareglo na lang ang kaso niya dahil mayroon umano siyang pamilya.
Hindi naman nagbigay ng pahayag ang biktima.
Payo naman ni Cabal sa mga nagrerenta sa dormitoryo, “Maging aware sila sa surroundings nila… Dapat, kilalanin nila… dapat marunong silang kumilatis ng isang tao, at the same time, ‘wag silang magtitiwala ng todo-todo.”