Advertisers

Advertisers

New era na sa NBA!

0 20

Advertisers

Tapos na nga ba ang panahon ng mga bereranong sina LeBron James, Steph Curry at Kevin Durant sa NBA?

Yan ang tingin nina Ka Berong at Tata Selo.

Wala na kasi sa contention para sa titulo ang tatlong superstar.

Si KD na 36 años na ay hindi man lang nakapasok ng playoff round at si Stephy Curry na 37 ay umabot lang ng Conference semis.

Si James na 40 na ay hanggang unang yugto lang ng playoffs.

Samantala ang mga bida ng apat na koponan sa East at West Finals ay mga mas bata pa ng malaki sa tatlo.

Sina Shai Gilgeous Alexander ng OKC, Anthony Edwards ng Minnessota, Jalen Brunson ng New York at si Tyrese Halibuton ay pawang mga wala pang 30.

Changing of the guards eka nga sa wikang Ingles. Si Halliburton ay 25, Brunson 28, Edwards 23 at SGA 26 lamang.

Ang isa pang kakaiba sa Conference Finalists ay mayroon silang apat na tig-isang player na ex-Laker. Ang Thunder may Alex Caruso na paborito pa dati ng mga LAL fan kasi mula sa pagiging G-Laeaguer ay naging bahagi ng totation . Ang Timberwolves may Julius Randle at ang Knicks may Josh Hart na na-trade ng team. Ang Pacers naman may Thomas Bryant na promising center ng purple and gold bago nag-request na ipagpalit siya sa ibang team.

Kaya ano man mangyari sa dulo tiyak may isang former Laker na magkakampeon.

***

Hindi na nga nakasama ang dalawang partylist na nakadikit kay Manny Pacquiao. Wala sa listahan ang 1-Pacman at MPBL sa mga proklamado ng Comelec noong Lunes.

Sa mga nominee ng 1-Pacman ay kabilang si Mika Romero na kapamilya ni Northport Batang Pier owner Mikee Romero at si Bobby Pacquiao na utol ng pambansang kamao.

Ito namang sa MPBL ay kasama sa mga nominee sina Jinkee Pacquiao na asawa ng 8 division world champ at si Kenneth Duremdes ang ex PBA player na Commissioner ng liga ni Pacquiao.

Pati ang pro-sports na PBA o Pwersa ng Bayaning Atleta ay hindi rin pinalad.

***

Espesyal na bisita natin sa OKS@DWBL si Doray Ellis, ang isa sa mga national coach ng triathlon.

Makakapanayam natin ni katotong Lito Cinco ang Certified ITU Level 1 Specialist mula ika-4 hanggang ika-5 ng hapon.

Mapapanood din ang OKS sa YouTube at Facebook Live. Hatid sa atin ito ng Biofresh.