Advertisers

Advertisers

Outstanding achievements ng PLM sa licensure exams ipinagmalki ni Mayor Honey

0 103

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pagbati at pagmamalaki si Manila Mayor Honey Lacuna sa outstanding achievements ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa nakaraang licensure exams para sa teachers, nursing at engineering.

Sinabi ni Lacuna na ang PLM na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod ng Maynila, kabilang ang Universidad de Manila (UdM), ay minsan pang pinatunayan ang “Tradition of Academic Excellence” mantra.

Ayon pa kay Lacuna, ang PLM ay nakapagtala ng 100 percent passing rate na may dalawang topnotchers sa katatapos na Philippine Nursing Licensure Examinations, na sina Aliyah Briones at Jonah Danica Mangaban.

Idinagdag pa ni Lacuna na ang PLM ay pumwesto bilang Top 3 School at ang graduate nitong si Yukki Navarro Nerio bilang Top 6 para sa May 2025 Chemical Engineering Licensure Examinations.

Bilang karagdagan dito, ang mga PLM graduates na sina Kyla Mae Enmel Gatab at Neriah Xiania Magnayon Antonio ay pumwesto naman bilang top four at eight spots (tie) sa March 2025 Licensure Examinations for Teachers (LET) Elementary Level na may 92.31% passing rate.

Nakapagrehistro din ang PLM ng impresibong 92.31% passing rate sa Elementary Level, kaya naman nakuha nito ang 8th place sa katatapos na March 2025 LET (elementary level). Nakapagrehistro din ito ng No. 4 sa mga top-performing schools sa Secondary Level kung saan mayroon itong 94.64% passing rate.

Sinabi ni Lacuna na siya pati na si Vice Mayor Yul Nieto Servo, kasama ang mga miyembro ng Manila City Council, ay nakikiisa sa PLM community sa pagdiriwang ng kanilang tinamong achievements. (ANDI GARCIA)