Advertisers

Advertisers

Elia Ilano Sasabak sa “Magkapatid, Dreamers in Tandem”

0 96

Advertisers

Ni Oggie Medina

SI Elia Ilano ay mapapanood sa pelikulang “Magkapatid, Dreamers in Tandem” ng JPhlix Films.

Sabi niya sa kanyang post sa Facebook: “It was really a humbling experience to work with people who share the same passion as you. Mapaligiran ka po ng mga taong puno ng care, love and kindness is truly a blessing. Thank you po, God, sa blessing na ito. Excited na po akong makilala ninyo si Christina delos Santos. Sobrang grateful po ako sa JPhlix Films dahil pinagkatiwala ninyo po sa akin ang character na ito.”

Dugtong pa ng FAMAS best child actress na ngayo’y magdadalaga na: “Direk Jonathan S. Oraño, when you told us po that I will play this character, hindi po ako makapaniwala. Sabi ko po kina Mommy Ssheng and Daddy Px, ‘Talaga po ba, ako ang pinili ni Direk Jonathan?’ From being my acting coach sa Viva Artists Agency (basic to advance) to being the director of this masterpiece, na sobrang dedicated and hard-working, yung advices and knowledge po na shini-share ninyo sa akin araw-araw sa set is isang walang katumbas na treasure that I will forever cherish po.”

Makakatrabaho ni Elia si Ms. Marnie Herrera Lapus, na nakasama niya sa Ghost Adventures. “Ms. Marnie, thank you po for wholeheartedly sharing your talent with us, it is an honor to share each scene with you. From our waiting area moments hanggang sa on-the-set ganaps, you made it very comfortable and relaxed.”

Makakatrabaho rin niya sina Adrian Cabido (singer at FAMAS best child actor), Bebe Dennah Bautista, Jerome Lisay, Meg Mague, Fredie-Eiderf Jalapan Abao, Direk Nelson Villamayor, Ma’am Maryneth at sa buong JPhlix family sa harap at likod ng camera. “Si Ate Anne rin na laging nagpapa-fresh at nag-papaganda sa akin… And sa Raja Soliman students.”

Magkapatid, Dreamers in Tandem is a story of hope, love, ambition, sacrifice, and chasing the impossible. “Salamat po Sir Lawrence Nicodemus sa pagbibigay ng isang makulay at nakaka-inspire na istorya. Ang writer na nagbigay po sa akin ng aking unang FAMAS award, labyu po, Sir Renz. Being an actor for your written work po is always an honor.”

Elia Ilano.

Cast ng Magkapatid, Dreamers in Tandem.