Advertisers
Ni Beth Gelena
Sa isang panayam kay Daniel Padilla ay ibinahagi niya ang kanyang love life.
Aniya, “Ayoko siya maging showbiz.”
Sa ‘Are You G with MJ Felipe’ ay napag-usapan ang pagkakalink niya kay Kaila Estrada.
Pagbabahagi ng actor mas prefer niya na to keep his relationships private and away from the spotlight.
Ayaw daw niyang pinipressure ang sarili o ang iba and would rather let things happen naturally.
Kilala ang aktor na low profile mula nang naging sensational ang breakup nila ni Kathryn Bernardo.
Kaya he prefers to keep things private and not turn his personal relationships into “showbiz.”
Hinggil naman sa rumored boyfriend ng ex niyang si Kath kay Mayor Alcala, tahimik lang ang aktor.
Ang concern niya ngayon ay ang lovelife niya.
“Huwag na nating i-pressure ’yung sarili natin, huwag na nating ilagay sa ganun, i-showbiz pa ’yun pero you get my point. Lalabas at lalabas, pero ayoko lang na may naghihintay na alam mo ’yun, huwag na. Hayaan na nating mangyari ang mga mangyayari. Huwag niyo na muna kaming kulitin, just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay. And again, ayoko siyang maging showbiz eh. Well ’di pa rin naman maiiwasan ’di ba pero may choice pa rin naman ako, ’di ba?’”
Siguro, ayaw na ni Deejay na maulit pa ang nangyari sa kanyang lovelife noong sila pa ni Kathryn, kaya ibig niyang gawin munang pribado ang kanyang buhay pag-ibig.
***
BEA BUNTIS?
May haka haka ang netizens tungkol kay Bea Alonzo.
Sitsit ng ilan na buntis umano ang aktres.
Sa isa kasing video, nagkaroon ng surprise birthday party ang staff ni Bea bago ang kanyang aktwal na kaarawan. Magiging 37 na ang aktres ngayong October 17.
May kuha silang larawan ng boyfriend niyang businessman na si Vincent Co.
Naka-white top at pants ang aktres kung saan may hawak siyang bouquet.
Pero sa video ay nasa likod ni Bea ang boyfriend habang hinihipan niya ang kanyang birthday cake na makikita sa TikTok.
Bumaha ang komento ng mga haka-haka sa umano’y buntis ang aktres. “Visible ung baby bump? or delulu lang Ako.. sana pregnant talaga si B..”
“Parang buntes c Ms.Bea Alonzo.”
“Happy Bday Ms. B (looks she’s pregy)”
“Tumaba c bf at c quenn bea.”
“Bagay na bagay sila ni Vincent Co sana wag na silang magkahiwalay dahil si Vincent Co mukhang napakaresponsable at kahit bilyonaryo na hindi siya mukhang suplado ..”
“She looks ppreggy
As of this writing, hindi pa nagsasalita si Bea tungkol sa tsismis na buntis siya kay Vincent Co.
Last September kasi ay napabalitang engaged na ang dalawa.
Nabalita ring magpapakasal na sila, pero sinabi ng aktres na hanggat maaari ay gagawin niyang pribado ang kanyang lovelife
Nang tanungin siya sa isang panayam tungkol sa kasal, sinabi ng aktres na wala siyang masabi tungkol dito, ngunit idiniin niya na siya ay masaya.
***
BILLY MULING NAPANOOD SA IT’S SHOWTIME
Ang akala ng mga It’s Showtime audience ay balik sa paghohost si Billy Crawford kung saan isa sa dating original host ng noontime show.
Napanood kasi ang singer/TV host kamakailan sa nasabing programa bilang hurado ng Tawag ng Tanghalan kasama sina Karylle at Marco Sison.
Sa kanyang pagbabalik, nagpasalamat si Billy at inalala ang kanyang pagiging isa sa mga original na hurado ng segment.
Ayon sa kanya, nami-miss niya ang Showtime family at masaya siyang makabalik sa entablado kung saan ito na ang ikatlong beses na lumitaw si Billy sa Showtime sa nakalipas na dalawang taon.
Sa kanyang pagbabalik, hindi maitago ni Billy ang tuwa at nostalgia nang muling tumapak sa Showtime stage. “As usual, nami-miss ko kayong lahat kaya nga nandito ako, nagbabalik ako,” ani Billy.
“Pinag-uusapan nga kanina kami ni Sir Marco and K, isa ako sa OG na hurado sa Tawag ng Tanghalan. It’s such a pleasure being back here once again sa It’s Showtime. So maraming, maraming salamat sa Showtime.”
Ang pahayag ni Billy ay agad na umani ng papuri at tuwa mula sa mga manonood at tagahanga ng programa. Marami sa kanila ang nagsabing tila “kompleto na ulit ang Showtime family” sa pagbabalik ni Billy, na isa sa mga orihinal na hurado ng Tawag ng Tanghalan noong unang inilunsad ito ng 2016.