Advertisers

Advertisers

ALYAS ROBERT, GAMIT ANG CPNP-SOU AT CIDG CRAME SA TONGPATS!

0 71

Advertisers

Ni Edwin Moreno

KAPWA hindi pa umiinit sa upuan sina CIDG-director BGen. Romeo Macapaz at butihing Chief PNP Gen. Nicolas Torre lll ay winawalanghiya na ng isang alyas “ROBERT”.

Yabang ni Robert at alyas Chin, sila ang may hawak ng Special Operation Unit o (SOU) yon bang weekly tong-pats o PAYOLA sa buong bansa.

Para sa kaalaman ng mga taga-subaybay ng Kalawit, kilala sa husay at matinong panunungkulan itong sina Chief PNP at bagong CIDG director at galit ito sa mga tiwaling gawain tulad ng ginagawa Nina ROBERT at Chin.

Ayon sa insider ng Kalawit, kontrolado na nina ROBERT ng Special Operation Unit ng CIDG Crame, ang koleksyon sa STL-con. Bookies sa Batangas at Cavite.

Kinokolekta din ng 2 mag-pakner ang lagum na weekly KOLEKSYON sa Calabarzon4A na hawak ngayon ng butihing PRO4A-director BGen. Jack Wanky, PNP Provincial director ng Cavite, Bantangas PNP Provincial director, Laguna at Quezon PNP Provincial Office, Regional Special Operation Unit at R2.

Sa talaan ng insider ng Kalawit, 30k lagum weekly kada perya ang koleksyon sa mga illegalistang sina Egay L. Emily, Norma, Jessica, Noemie at JayR.

Lagum na 20k weekly sa SAKLA sa Noveleta, Maragondon, Alfonso, Ternate, Indang, Naic, Silang, DASMA, Bacoor at Carmona.

Sina HERO, ka-Minong at Francis na may hawak ng operasyon sa SAKLA, EZ2, Pick3 at LOTTENG ang tumatayong kolektor Nina ROBERT at Chin ng CIDG-regional chief ng Calabarzon4A.

PASOK na din sa salot na pasugalan Nina Jun Toto, Nitang Kabayo, Kap Abner at Santander ng Perya ng Bayan (PnB) bookies si Robert ng CIDG Crame.

May weekly koleksyon din ito sa lalawigan ng Batangas.

Sa impormasyon ng Kalawit insider, 20k sa mga pergalan sa bawat barangay, 35k weekly sa bayan, habang 140k sa bookies sa big4 ng Lipa Batangas, gayundin sa bookies ng Tanauan ni Agnes.

30k sa bookies ng Malvar, Sto Tomas, 25k weekly (3 bangka) ng bookies.

Grabe!!! Sino kayang opisyal ng CIDG Crame ang may basbas kay ROBERT at Chin, sininop ang koleksyon sa CALABARZON4A.

Tulad ng mga illegal na psugalan Nina Marasigan at Gadiola sa Nasugbo gamit naman ang pangalan ng butihing finance Sec. Ralph Recto.

Protektado din Nina ROBERT at Chin ang talamak na PAIHI o burikian ng petroleum products Nina Amang, Aldo at Violago Group sa Brgy. Bangkal, Carmona.

Gayundin ang mga PAIHI sa lalawigan ng Quezon, hindi pa kasama ang REGION-3, Region-1 at Region-2.

Panawagan ng Non-Government Organization (NGO’s) sa CIDG -director, imbestigahan at arestuhin itong sina ROBERT at Chin na nagpapakilalang taga Special Operation Unit at ikomokolekta ng TARA.

Abangan : may karugtong!!!