Advertisers

Advertisers

Pinoy, kailan ka aahon sa kumunoy ng gutom?

0 37

Advertisers

Lintek kung umasta itong si Speaker Martin Romualdez, feeling president, yes, kasi ilang beses siyang nakipagmiting sa top o?icials ng AFP – na trabaho lamang ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Di lang yun, Hari pa ng ayuda, akala mo, sariling pera niya ang ipinamimigay, at itong Comelec, nakupooo, ewan kung bulag at sobra ang tamad.

Magbigay raw ng ebidensiya ng vote buying para makasuhan ang mga tiwali, hey, ang daming video na nakakalat sa social media, sa Batangas, kita ang pamumudmod ng pera ni Rep. Bitrics Luistro na ang isinisigaw, “Dahil kay Speaker, may AKAP, may AICS,” at iba pa.

Ang talunang si Sam Verzosa, ipinagyabang na sa isang araw, namigay ng kalahating bilyong piso si Martin sa mga residente ng Maynila, kungdi ito, maliwanag na korapsiyon at plunder, e ano ito?

Ito namang si PBBM, sabi tagumpay raw ang walang patayang ‘war on drugs’ niya, at ipinagyabang na tone-tonelada raw na illegal drugs ang nakukumpiska.

Hey, teka, ano’ng nangyari sa nahuling drug tra?icker sa Alitagtag, Batangas, isang alias “Zarate” – kinasuhan ba, e wala tayong balita.

At asan ang toneladang shabu na nakumpiska, naitago na, at ewan ko,
tinatawanan lang, pangisi-ngisi lang at ayaw pa-hair follicle drug test, kahit kita sa
pagsasalita niya at itsura ng mukha na itsura ngang bangag siya.

Sabi ni PBBM, wala siyang kinalaman sa pagpapatapon kay former President
Rodrigo Roa Duterte sa ICC sa The Hague, Netherlands, pero sabi ni Justice Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla, handa raw gastusan ng gobyerno ang board and lodging, air fare ng mga testigo laban kay FPRRD na kinakasuhan ng crimes against humanity.

Kungdi ito lantarang kasinungalingan, aba, tinatrato ni Bongbong na bobo at tanga ang taumbayan.

Eto pa, sabi niya, wala raw epekto ang Iran-Israel war, anak ng P…, eto ang
biglang taas na ang presyo ng mga produktong petrolyo – na ang bulto ay iniimport natin sa Middle East.

Tapos, ano raw, bibili raw tayo ng mga jet fighters sakaling madamay tayo sa giyera, e ang digmaan ngayon ay hindi na dog fight sa ere, missiles, nuclear bombs na ang labanan.

Naghihirap na tayo, jet fighters na pinaglumaan ng US ang bibilhin, at walang pakialam ang gobyernong ito kung mamatay na sa gutom at giyera, basta magpakita lamang ng tapang sa ilalim ng saya.ni Uncle Sam.

Malapit na ang State of the Nation Address (SONA) niya, ano nahanap na ba 5,000 na flood cobtrol projects na pinondohan ng mahigit na P500 bilyon at asan ang ipinagyayabang na multi-billion dollars na foreign direct investments daw na nakuha ni PBBM sa sangkatutak na pamamasyal niya sa ibang bansa.

May nag-invest na ba, wala, kasi, super expensive ang gastos sa kuryente, superbagal ang internet connectivity, laging waterless ang water companies, sobrang traffic, nagkalat pa ang mga adik, kriminal at walang maayos na transport services, at panay pa ang bangayan ng mga politiko.

Ano ang gagawin pag walang tubig, iipunin ang tubig-baha para magamit sa tag-tuyot tulad ng sabi ni PBBM, ay, bakit walang sigaw kaming naririnig na “Bobo” sa na-disbarred na si Larry Gadon na presidential adviser para labanan ang poverty?

Bakit madalas na “namamasyal” si First Lady Liza Marcos sa US, e kasi, balita na person of interest siya sa pagkamatay ng Paolo Tantoco sa Beverly Hotel noong Marso 8 na ayon sa bali-balita, may kinalaman daw sa overdose ng white powdery substance.

E, kalat sa social media, ang mag-asawang Marcos ay ano raw, mahilig sa “pulvoron’ na ikanakaila at panay ang tangging magpa-hair follicle test upang tapusin na ang isyung ito.

Aba kungdi ka nga bangag at adiktus, anytime, papayag kang magpa-drug test, kahit linggo-linggo.

Itong si Ate Senadora Imee Marcos ay lantaran nang inaakusahan sina Martin at Liza dahil daw sa pakikialam at katakawan sa kapangyarihan at pagkalikot sa badyet ng bayan, lubig na sa hirap ang mamamayang Pinoy.

Kulang pa aminin ni Imee na ang kapatid nga niya ay ano… hindi marunong mag-presidente, na unang ibinatikos ni VP Inday Sara Duterte.

E, kailangan pa bang i-memorize ito, kasi sa loob ng tatlong taon, ano ang maipagmamalaking proyekto ba nagawa ng administrasyon ni PBBM.

E, meron: impeachment ni VP Sars; pagpapatapon kay FPRRD sa ICC; luma at bulok na P20 na bigas; pagbebenta ng kung ilang toneladang ginto na tulad ng bilyong pisong Maharlika fund ay hindi malaman kung saan o kanino na naibulsa; ang bilyones na Philhealth na hindi pa naisosoli kahit iniutos ng Supreme Courr, at ang pakikisangkot sa away ng US sa China, na pag nagkagiyera, unang babagsakan ng missiles at bomba nuclsar ng China ay ang mga EDCA sites sa Norte, Luzon at Palawan.

At ano ang ipanlalaban natin, bulok na Tora-Tora at pinaglumaang jet fighters na ilang oras lang sa ere ay babagsak kasi kulang sa gasolina.

Ay, buhay Pinoy, kailan ka aahon sa kumunoy ng gutom; kailan ka giginhawa sa baha, nakawan, at korapsyon?
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.