Advertisers

Advertisers

 “Binibining Marikit,” may beautiful goodbye ngayong Biyernes

0 20

Advertisers

MAGPAALAM na ang Sparkle star na si Herlene Budol sa kanyang minahal na karakter bilang ”Binibining Marikit” sa GMA Afternoon Prime ngayong Biyernes, Hunyo 27.

Matapos ang emosyonal na pagkikita ng mag-inang Marikit at May (Pokwang), nabihag sila nina Soraya (Pinky Amador) at Angela (Thea Tolentino) sa isang ferry. Susubukan nilang tumakas dito sa tulong nina Matthew (Kevin Dasom) at Drew (Tony Labrusca).

Magkakasagupaan ang mga tauhan ni Soraya at mga bodyguard ni May, dahilan upang mag-panic ang lahat. Muling mawawalay si Ikit sa kanyang ina. Makalipas ang ilang sandali, magkakasunog sa ferry na magiging sanhi ng pagbalik ng trauma ni Marikit.

Magkakasama pa bang muli sina Marikit at May? Sino naman kaya ang pipiliiin ni Marikit sa huli, si Matthew ba o si Drew?

Damang-dama ng avid viewers ang matindi at emosyonal na finale week ng “Binibining Marikit.” Ayon sa ilang netizens sa YouTube channel ng GMA Network, ”Grabe! Very emotional ang revelation na si Ikit ay anak ni May, ang bilis ng panahon at matatapos na ang Binibining Marikit. Mahusay umarte sina Herlene at Pokwang! Hindi ko namalayan humihikbi na pala ako. Mugto na mga mata ko, ang ganda ng reunion nilang mag-ina.”

Huwag palampasin ang finale ng “Binibining Marikit” ngayong Biyernes, 4:00 ng hapon sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.