Advertisers
Ni Archie Liao
MAITUTURING ng bagong frontman na si Patrick Marcelino na blessing in disguise ang pagkakapasok niya sa grupong “Inner Voices” na pinangungunahan ng matagumpay na abogado at founder nitong si Rey Bergado.
“It’s something that I didn’t expect kasi I thought my singing career ended when I left Singapore after a decade,” aniya.
Nagpapasalamat naman siya sa break na ipinagkaloob sa kanya ng butihing lawyer.
“In a span of two months, marami na rin kaming nagawang cover songs at sobra akong na-challenge,” paliwanag niya. “Iyong pagpe-perform namin together sa iba’t-ibang shows at gigs, ang laki ng nagawa para ma-boost muli iyong confidence ko,” dugtong niya.
Ibinahagi rin niya ang karanasan niya sa pakikipagtrabaho sa grupo.
“Iyong bond namin, mas lumalim siya and I think it came out naturally,” pahayag niya. “Every night that we perform, we are really excited and look forward na maka-connect kami sa audience. We want it to be festive always where they dance, clap or sing. We want them to enjoy what we have to offer,” pahayag niya.
Para raw maiba naman sa dating soloista ng grupo, naisip nilang ibalik ang ‘80s pop music sa kanilang repertoire.
“Siyempre, laking ‘80s tayo at isa iyon sa golden era pagdating sa music na marami ang nakaka-relate,” ani Patrick. “Every week, we always rehearse and make it a point to add a set list of ‘80s new wave songs and so far, nakaka-overwhelm ang reception,” pahabol niya.
Nilinaw naman niya na sa loob ng panahong inilagi niya sa grupo ay never na nagkaroon sila ng isyu ng selosan.
“So far, we haven’t been faced with any serious issues,” bulalas niya. “Wala sa amin iyong selosan. Ako, bilang bunso (sa grupo), siyempre, nandoon iyong nag-a-adjust ako. Besides, we’ve known each other for a long time. We are united in our common goal on how to connect with our audience and to be able to share our music,”pagtatapos niya.
Ang “Inner Voices” ay inilunsad kamakailan ang kanilang bagong OPM songs na “Sayaw sa Ilalim ng Buwan,” “Saksi ang mga Tala,” at “Handa na Kitang Mahalin” na makakasama sa kanilang upcoming album na nagtatampok din sa hit singles na “THAL (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa),” “Idlip,” “Galaw,” at “Meant To Be.”
Bukod kina Patrick at Rey , ang iba pang miyembro ng grupo ay sina Rene Tecson (guitarist), Alvin Herbon(bassist), Joseph Cruz (keyboardist)at Joseph Esparago (percussionist).
Ang pamosong grupo ay nagpe-perform tuwing Huwebes at Sabado ng gabi sa Hard Rock Café sa Makati.
Tuwing Lunes naman ay nasa Bar 360 sa Newport World Resorts Manila sila samantalang tuwing Biyernes ay matatagpuan sila sa Bar IX (Nine) Molito sa Alabang.
Isang beses naman kada buwan ay nagpe-perform sila sa 19 East sa Parañaque at Aromata sa Quezon City.