Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PARANG pagsagot na rin daw sa isyung kinasangkutan ang ginawang lie detector test sa latest vlog ng actress at sikat na vlogger na si Ivana Alawi.
Matatandaang nitong nakaraang buwan lang nang maging hot issue at kontrobersyal ang pagdawit sa pangalan ng aktres sa reklamong Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 na inihain ni Dominique ‘Nikki’ Benitez laban sa dating asawang si Cong. Albee Benitez na inuugnay nga na may relasyon kay Ivana.
Sa lie detector test ni Ivana kasama ang inang si Fatima Marbella (Mama Alawi) at ang kapatid na si Hash Alawi ang sumalang.
Kabilang sa mga tanong kay Ivana ng nakababatang kapatid na si Mona ay “Ikaw ba ay nanira ng pamilya?”
Kaagad na sumagot ang aktres ng, “no.” At ang resulta ng lie detector machine, “‘truth.’”
Katwiran pa ni Ivana: “Hindi ako pinalaking manira ng pamilya. I respect family, kasi kami nga broken family. Ano ‘to, tapos maninira ako ng family? Sira ulo ka pala eh,” pagdidiin pa niya.
Kaya hindi man diretsahang sinagot ni Ivana na wala siyang kinalaman sa sigalot sa pamilya Benitez ay obviously pagtanggi na rin ito sa kaniyang involvement sa issue.
***
MARAMING faney ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang nagtatanong sa amin, dahil alam nilang isa rin akong Maricelian, kung kelan daw ba muling gagawa ng pelikula ang award-winning actress.
Huling napanood si Maricel sa In His Mother’s Eye noong 2023, na gumanap siya bilang kambal ni Roderick Paulate..
Eto na ang kasagutan sa mga supporters/nagmamahal kay Maricel. After 2 years, mapapanood na ulit sa wide screen si Maricel. May gagawin siyang pelikula titled Meet, Greet & Bye mula sa Star Cinema, na isang familu drama, under the direction of Cathy Garcia-Sampana.
Makakasama niya sa naturang pelikula sina Piolo Pascual, Belle Mariano, Juan Carlos at Joshua Garcia.
First time makakatrabaho ni Maricel sina Belle, Joshua at Juan Carlos, while si Piolo ay nakatrabaho at nakatambal niya na sa Mila, na ipinalabas noong 2013.
Siguradong labanan ng aktingan ang limang bida sa pelikula dahil pare parehas silang mahuhusay na artista.