Advertisers

Advertisers

ALYAS KEVIN AT DONYA TESSIE PADER SA CIDG!

0 104

Advertisers

Ni Edwin Moreno

Kapwa may sinabi sa pamunuan ng CIDG-RFU sina Kevin na nagpapakilalang kolektor at si donya Tessie laging bukang bibig na pamato sa kanyang pergalan sa C-6 Taytay Rizal at Batangas ay ang butihing si CIDG-director BGen. Macapaz at si PNP Chief Gen. Nicolas Torre lll.

Dahil sa takot ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Feloteo Gonzalgo at Taytay Chief of Police Lt. Col. Marlo Solero, hindi nila masakote ang illegal na pasugalan ni alyas donya Tessie sa C-6 Road, Taytay.

Sa totoo lang po, galit sina CIDG director Macapaz at PNP Chief sa mga illegal gambling.

Maging si alyas Bong Zola na operator ng lotteng na may 2 dekada na ang operasyon sa lalawigan ay ipinagmamalaking timbrado s’ya kay KEVIN ng CIDG at Jack Visaya.

***

ALYAS ANDY NG LAGUNA AT ALYAS SGT. SANDOVAL NT BATANGAS!

Si Andy ang gumagasgas sa pangalan ng butihing Laguna PNP Provincial Director P/Col. Jonar Ramirez Yupio na halos wala pa isang buwan na naupo bilang director.

Habang nagyayabang naman si alyas Sgt. Adlawan na s’ya ang katiwaldas o kolektor ng Calabarzon4A PNP na pinamumunuan naman ni PRO4-director P/BGen. Jack Wanky.

Sa lalawigan naman ng Cavite, hawak nina HERO, Ka-Minong at Sakla operator na si Francis.

Ang gambling operator na si Nitang Kabayo, sa lalawigan naman ng Quezon, sina alyas Sgt. Anot, Jammie at alyas Sgt. Panganiban.

Timbrado din kay Andy, ang dekada nang pwesto pijo ni Judith sa Tram Plaza, Sta Rosa, Palengke sa Brgy. Sto Domingo Biñan City at Checkpoint Calamba.

Ilang Provincial Director na ang nagpalit-palit sadyang malaki hatag este sadyang malakas at totoo ang sinasabi ni Judith na pasok s’ya sa timbregan o kolektor ng PNP Laguna.

Ayon sa impormasyon ng insider ng Kalawit, sina Judith at Tessie ay kapwa may alas sa CIDG kaya hindi kayang hulihin ang kanilang salot na pasugalan.

Teka, ang lahat ng mga illegalistang may lengguhang payola sa mga kolektor para sa CIDG-RFU at Calabarzon PNP, lahat ay hawak nina Adlawan at Kevin.

Sa puntong ito, hinahamon ng Non-Government Organozatio (NGO’s) ang pamunuan ng CIDG-4A, BGen. Wanky, PD Col. Yupio, Gonzalgo, Cavite PNP Provincial director Col. Dwright Alegre, Quezon PNP director Col. Romulo Albacea na umaksyon at hulihin ang mga illegal gambling.

Tulad ng Pergalan, color game, pula-puti at dropball.

Abangan : maykarugtong……