Advertisers

Advertisers

2 sugatan sa sunog sa Caloocan

0 9

Advertisers

Sugatan ang dalawang katao nang sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Tanigue St., Barangay 14 Biyernes ng umaga sa Caloocan City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), unang naiulat ang sunog 7:00 ng umaga at itinaas sa unang alarma pagsapit ng 7:10 ng umaga.
Nagmula umano ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay.
Alas 8:07 naman ng umaga nang maapula ang apoy at ideklarang fire under control ito ng dakong 7:40 ng umaga.
Tinatayang nasa 15 katao ang naapektuhan sa insidente at umabot sa humigit-kumulang P50,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian.
Sugatan ang isang 28-anyos na babae nang magtamo ng paso sa kanang braso nang tumalon mula sa ikalawang palapag ng nasusunog na bahay.
Sa salaysay ng isang tricycle driver na saksi at rumesponde sa insidente, napilitan umano ang babae na tumalon mula sa ikalawang palapag dahil sa kapal ng usok.
Ayon kay Rogelio Fernandez, nakita niya na lamang na may usok sa bahay.
Kwento pa niya, kumapit umano ang babaeng tumalon sa bakal nguni’t napaso ang mga daliri nito dahil sa init ng usok at apoy.
Nagpupukpok din umano siya ng bato sa gate upang maalerto ang mga nasa loob ng bahay na may usok at posibleng sunog.
Sugatan din ang isang 15-anyos na lalaki na nakaranas ng hirap sa paghinga at ngayo’y patuloy na inoobserbahan sa ospital.
Nabatid na isang pamilya na may apat na miyembro ang nakatira sa nasunog na bahay.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
Tumanggi muna sa ngayon na magbigay ng pahayag ang pamilya na may-ari ng bahay, habang wala ring inilabas na pinal na ulat ang BFP.(Beth Samson)