Advertisers

Advertisers

“I consider myself as one of the luckiest entertainers in the Philippines! — MARCO SISON

0 9

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MAY concert ang iconic balladeer na si Marco Sison, ang “Seasons of OPM” na gaganapin sa July 25, 8 PM sa The Theater at Solaire sa Parañaque City.

Bakit “Seasons Of OPM” ang titulo ng show niya?

“Yung Seasons of OPM po, well you all know siguro na ako e from the 80s so it’s been like 45 years na nandito na ako sa entertainment industry.

“I also consider myself as one of the luckiest entertainers here in the Philippines at hanggang ngayon nandito pa rin ako.

“But yung Seasons of OPM kasi parang kung papaano siya nag-start, kung paano nagsimula ang OPM up to now.

“Kung paano siya nag-evolve, kung ano ang pinagbago ng Original Pilipino Music, yung tunog niya dati at kung ano ang tunog niya ngayon.

“Actually doon ko naisip yung idea na siguro mag- pay tribute naman ako sa forty-five years na iyon sa industry at sa mga fans, supporters and to the new market na sinasabi nila, ‘no, yung Gen Z market.

“Medyo nakakatuwa lang, hindi ko naman pinlano ito pero dream ko ito, dream ko na mag-last as a singer.

“Nangyayari so masarap, so I am grateful.”

Sa palagay niya bakit tumagal ang kanyang career bilang singer?

“Siguro suwerte,” at natawa si Marco.

“At tsaka doon siguro sa mga na-record ko, I remember when I was starting wala pang minus one, wala pang videoke, wala pang karaoke.

“Siguro after a few years nag-start na. Isa yun sa reason kung bakit napakaraming magagaling kumanta dito sa Pilipinas.

“Kasi kami noon, inabot ko yung naggigitara ako, e. “Kailangan marami kang pondo para mag-last ka sa isang gabi na… pumupuwesto po ako dati, I used to sing in El Bodegon kung may nakakatanda pa sa inyo.”

Isang sikat na bar dati sa Ermita, Manila ang El Bodegon.

“Iyon yung nagdi-discover ng mga baguhang singer kasi may mga singing contest sila doon dati and I was one of the champions.

“Doon ko po nakita yung picture nila Tirso Cruz III, Walter Navarro, maraming-marami, Si Didith Reyes doon ko siya nakilala.

“So naging regular ako doon, pinapuwesto ako doon una once a week, naging twice a week, naging three times a week. On weekends pa iyon, ganun.

“Alam niyo nakakatuwa ang istorya ng pagkanta ko nung araw, I was in college, ang bayaran noon you wouldn’t believe this, hindi kayo maniniwala, beinte pesos isang gabi!

“Naging fifty pesos ako, ang pinakamataas ko one hundred twenty pesos a night.

“Ito yung mga siguro 1976-77. Kasi siyempre amateur pa tayo nun, hindi pa tayo professional, wala pa akong record.

“Ganun po.

“So ako practically mag-isa lang naman ako, nagsu- survive ako sa ganun, nakakapag-rent pa ako ng kuwarto during that time.

“This was during late seventies, from ‘75 up.

“Sekreto? Iyon basically gawa iyon ng karaoke, basically ang kanta ko love songs. Siguro kasi madali siyang kantahin, love songs.”

Ilan sa mga hit love songs ni Marco ay ang Always, Make Believe at My Love Will See You Through.

“Ang mga Pilipino mahilig sa love songs, mabilis, mabagal, jazz, instrumental, RnB, puro love song.

“Siyempre as an artist siguro attitude.

“Yung pakikibagay mo sa mga tao when you were just starting, nag-peak ka, medyo nawala ka, nag-start ka ulit, parang ganun.

“May cycle po iyan, iyan ang aking naiisip, yung mga pinagdaanan mo at dadaanan mo ulit.”

Samantala, matindi ang mga guest ni Marco sa “Seasons Of OPM”; ang kapwa niya The OPM Hitmakers na sina Rey Valera at Nonoy Zuñiga, at ang Concert King na si Martin Nievera at si Vice Ganda.