Advertisers
SINIMULAN na nitong Huwebes ng tanghali ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas III, ang kanyang boxing training para sa “laban” niya sa Linggo, Hulyo 27, 2025.
Kumasa ang 55-anyos na Torre sa hamong suntukan ni Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte, 37, anak ni dating pangulo ngayo’y Davao City mayor pero nakakulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Hinamon ng suntukan ni Baste si Torre sa kanyang Facebook page, kungsaan sinabi niyang matapang lang ang huli dahil nasa posisyon ito. “Magsuntukan nalang kami”.
Sa report, 12:30 ng tanghali nang umpisahan ni Torre ang pagsasanay sa PNP Sports Center sa Camp Crame, Quezon City.
Sa buong training, naka-anim na rounds ng boksing ang heneral, na miembro ng PNPA Boxing Squad noong nasa academy ito at namintina ang kanyang boxing at martial arts skills hanggang sa kasalukuyan.
Sinabi ni Torre, nakausap na niya ang pamunuan ng Rizal Sports Complex sa Maynila para pagganapan ng laban sa Linggo, 9:00 ng umaga.
Ayon pa kay Torre, duma-ting man o hindi ang nakababatang Duterte, magpapaabot parin ng tulong ang PNP sa mga naapektuhan ng pagbaha dulot ng mga bagyo at haba-gat.
Aminado ang 55-anyos na PNP Chief na bahagyang humina na ang kanyang resistensya dahil matagal na niyang hindi ginagawa ang pagbo-boksing.
“Anytime naman ready tayo… Mahina na nga ako e. Pero maraming nagkainteres sa larong ito kaya just to give them an entertainment [tsaka] para we can have a sort of credibility in showing up. Medyo nag-refresh tayo sa ating ginagawa.
Wala namang reaksyon si Baste na tila umatras na sa kanyang hamon.(Almar Danguilan)