Advertisers

Advertisers

‘Baste’ naghahanda na sa laban vs Torre

0 28

Advertisers

USAP-USAPAN ng mga netizen ang isang video clip na makikitang tila nag-eensayo ng boxing ang isang lalaking umano’y si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Sa Facebook post makikitang nasa isang boxing ring ang umano’y sinasabing si VM Baste habang may ka-sparring.

Makikitang nakasuot ng boxing gloves ang nabanggit na lalaki.



“MADAYON SA DO-MINGGO? BALE 100k ko miski wa ko anang kwartaha, sure win,” mababasa sa caption ng uploader nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 23, na ang ibig sabihin, ay kung matutuloy raw ba sa darating na Linggo ang isang tila boxing match.

Hindi naman tinukoy ng uploader kung lumang video ba ang ibinahagi niya o kung bago lamang.



Kanya-kanya na tuloy pustahan ang mga netizen sa comment section ng nabanggit na post.

Bagama’t walang tinukoy kung anong boxing match, naiugnay ito ng mga netizen sa naging pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre III, na kumakasa siya sa hamong suntukan ng 37-anyos na Duterte.



“Tamang-tama dahil marami ang nasalanta ngayon ng bagyo at baha. Maybe we can use this moment, or use this opportunity to raise funds. Charity boxing match! Para mabilis, this coming Sunday? [Hulyo 27], sa Araneta. 12 rounds, puwede. 12 rounds ng suntukan para maganda at marami-rami ang ma-raise natin,” saad ni Torre, sa panayam ng media nitong Miyerkules, Hulyo 23.

Dagdag pa niya: “Let’s just put this to a better use. Kung ‘yan ang gusto n’ya, eh ‘di pagbibigyan ‘yan.”

Nag-ugat ito sa pahayag ni Duterte laban kay Torre na matapang lang ang heneral dahil may posisyon.

Samantala, hindi kinumpirma ng kampo ni VM Baste kung ang nabanggit na video ba ay luma na at walang kinalaman kay Torre, o talagang mainit-init pa, bilang pagha-handa sa hamunan nilang da-lawa ng hepe ng pulisya.