Advertisers

Advertisers

Tondo residents, nawalan na ng tirahan, pinagalitan pa daw ng MDSW Chief

0 21

Advertisers

NASA hotwater ngayon ang Manila department of social welfare (MDSW) chief matapos na mag-viral ang isang video kung saan makikita na sinisigawan niya ang mga residente sa Tondo na nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng bagyo.

Nakita sa nasabing viral video ang isang galit na hepe ng MDSW na si Jay dela Fuente at anyong pinagagalitan ang mga kaawa-awang resdente na nasa evacuation center.

Sa nasabing video, makikitang sinabi ng hepe na: “wala kaming ibibigay sa inyo” ng ilang ulit sa mga evacuees at kailangang umalis na sila ng ala-una dahil wala ng high tide.

‘Lalabas na po tayo. Tapos na po. Wala po kaming ibibigay sa inyo pakiusap lang. Nasan na ‘yung mga kapulisan natin?” sabi pa ni Dela Fuente sa mga residente kung saan kabilang ang ilang senior citizens at mga bata.

Sinabi rin ng hepe sa mga pulis na naroon at sa mga social workers na samahan ang mga residente palabas ng evacuation center.

“Kumain na ba to? Kumain na pala kayo eh. Tapos na po.Meron kaming mas malaking problema sa Smokey Mountain. Meron dung landslide pakiusap lang ha gagabayan kayo ng mga social worker. Wala kaming ibibigay sa inyo nakakain na kayo ang pakiusap ko lang lumabas na tayo, Sige po, labas na po labas na tayo,” sabi pa ni Dela Fuente.

Matapos nito ay binalingan niya ang chairman na naroroon na kanya ring pinagalitan habang Isang babae naman ang makikita rin na inaawat si Dela Fuente sa kanyang ginagawa.

Dahil dito ay binalingan ni Dela Fuente ang babaeng umaawat at sinabing : “ikaw, tatanga-tanga ka!”

Ang nasabing babas ay isang social worker at bagong district head.

Nabatid na ang mga residente ay mula sa a Barangay 20 na biktima ng pagbaha kung saan nawasak din ang mga bahay dahil sa pananalasa ng bagyo.

Samantala sa panig naman ni Dela Fuente, ay pinabulaanan niya ang bintang na sinigawan niya ang mga residente at sinabing malakas lang ang boses niya at klinaro din niya na wala na silang ibinigay matapos na makarating ang ulat sa kanyang tanggapan na isang chairman ang nagpakalat na mamimigay ng financial assistance ang kanyang tanggapan.

Ayon pa kay Dela Fuente, pinagalitan niya ang chairman dahil sa pag-aanunsyo ng maling impormasyon at nanghihimasok sa trabaho ng MDSW. Sinabi pa nito na halos 400 residente ang nagtungo sa center dahil sa nasabing false promise na ‘ayuda.’

The financial assistance being given, for those who have been totally displaced and for fire victims, while those who were affected by high tide only, such as those in the said evacuation center, are given shelter and meals,” pahayag ni Dela Fuente

Sinabi pa niya na ang barangay chairman na pinagmulan ng maling impormasyon ay kasalukuyan ng iniimbestigahan sa tanggapan ng SMaRT sa Maynila City Hall. (ANDI GARCIA)