Advertisers
MARIING hiniling ng mga taga Laguna kay Philippine National Police (PNP) Chief, Police Gen. Nicolas Torre III ang agarang imbestigasyon sa diumano’y pangungunsinti at pagbibigay proteksyon ng ilang matataas na opisyal ng kapulisan sa iligal na sugal, tulad ng ‘color games at drop ball, na ilang taon ng talamak sa ibat-ibang bayan at siyudad sa lalawigan ng Laguna.
Ayon sa reklamo na pansamantalang tumangging magpabanggit ng kanilang mga pangalan, tila nagiging bulag ang Laguna Police Provincial Office at mga chief of police sa pamamayagpag ng lantarang mga pwesto pijong sugalan gabi-gabi na inaabot ng madaling araw ang gambling operation.
Tinukoy nila ang mga Barangay Langgam sa San Pedro, Barangay Sto Dominggo at Palengke ng Biñan, Barangay Banlic Cabuyao, Tram Plaza Barangay Balibago sa Santa Rosa, Checkpoint at Crossing ng Calamba, Laguna na pinamumugaran ng mga salot at perwisyong sugal.na “Color Games at Drop Ball.
Batay sa reklamo, front lamang ang mga rides at amusement games sa mga Perya para pagtakpan at itago upang hindi mahalata ang “gambling operation” na inaabot ng madaling araw ang mga adik at sugarol.
“Noon lamang nakaraang buwan, nagkaroon ng kaguluhan ang grupo ng mga kabataan sa mismong peryahan sa Calamba at Santa Rosa pero balewala sa mga pulis” – saad ng nagrereklamo.
“Inaabot ng madaling araw ang mga sugarol dyan pati mga kabataan halos hindi nanga sila natutulog sa paglalaro ng color games at drop ball.” – wika ng nagrereklmo
Ayon sa reklamo isang untouchable na gambling queen na alyas Judith ang promotor na walang takot mag-operate ng mga iligal na sugal sa mga nabanggit na lugar.
Nauna rito, ay nanawagan ang mga residente, simbahan at mananampalataya kay Laguna Provincial Director PCol Jonar Yupio. na aksyunan ang mga perwisyo at salot na sugal na ilang taon ng talamak sa naturang lalawigan.
Batay sa sumbong ng ilang concerned citizen, tila hindi umano epektibo ang Dial 911 5-minutes response time program ni PNP Chief Torre dahil kahit anong tawag umano nila ay hindi kumikilos ang mga opisyal ng kapulisan ng Laguna. Kaya hiniling nila nasa pamamagitan ng pitak na ito ay makarating ito sa Camp Crame
Naniniwala din ang mga residente at ilang sektor na bumabatikos nito na hindi ito mapapahinto ni Laguna Provincial Director PCol Jonar Ramirez Yupio maging ng mga hepe ng kapulisan ng Calamba, Santa Rosa, Biñan, Cabuyao at San Pedro dahil sa diumanoy daang libong pisong “weekly payola” at “good will” ang ipinamumudmod ng maimpluwensiyang gambling queen sa ilang tiwaling opisyal sa Camp Vicente Lim at Laguna PPO.
Kaya pala kahit anong reklamo talagang hindi kikilos dito ang Laguna PNP kung ganyan kalaking halaga ang intelihrnsya linggo-linggo.Kahit sino talagang.magbulag-bulagan dito?
Tutukan natin ito!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.