Advertisers
ISANG 24-anyos na hindi pasahero ang nakalusot sa pre-departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, na nagdulot ng pagkabahala sa mga biyahero na naghihintay ng kanilang flight, napag-alaman sa ulat
Sinabi ng PNP-Aviation Security Group (Avsegroup) nitong Miyerkules na isang pasahero ang nagreklamo tungkol sa isang kahina-hinalang tao na patuloy na nanonood sa kanila.
Ayon sa pulisya, lalo pang nagdulot ng pag-aalala sa mga pasahero ang pagkabalisa at kaba ng lalaki. Ang suspek, na hindi nakapagbigay ng boarding pass o anumang travel documents, ay hindi makapagbigay ng dahilan kung bakit nasa restricted area nang tanungin ng staff ng Lockheed Security Agency at Quickstar Security Agency.
Siya ay nahaharap sa mga kaso para sa alarm and scandal at hindi awtorisadong pagpasok sa isang restricted area ng pambansang paliparan. (JOJO SADIWA)