Advertisers

Advertisers

DoJ magpapasaklolo sa Japan sa DNA ng missing sabungeros

0 47

Advertisers

HIHINGI ng tulong sa Japan ang Department of Justice (DOJ) para sa pagsusuri sa nakuhang buto ng umano’y mga nawawalang sabungero sa Taa Lake dahil walang nakuhang DNA profile sa mga ito.



Bukod dito, patuloy parin ang DOJ sa kanilang imbestigasyon. Ayon kay Justice Asst. Secretary Atty. Mico Clavano, hihiling sila ng tulong sa gobyerno ng Japan dahil naiintindihan ng DOJ ang limitasyon sa sariling DNA testing. Sa kabila ng hamon, sinabi ni Clavano na sisikapin ng gobyerno na matuklasan ang katotohanan at maihatid ang katarungan, lalo na at binanggit ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa kanyang 4th SONA kamakailan.

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na 91 bone fragments mula sa limang sako ang unang narekober noong Hulyo at may dagdag pang natagpuan kamakailan. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">