Advertisers

Advertisers

8 rebelde todas sa bakbakan sa Samar

0 32

Advertisers

NASAWI ang walong miyembro ng New People Army (NPA) at walong mataas na uri ng armas ang narekober ng militar sa naganap na engkwentro sa Las Navas, Northern Samar nitong Huwebes ng madaling araw.



Ayon kay Major General Adonis Ariel G. Orio, JTF Storm at 8th Infantry Division Commander, 2:30 ng madaling araw nang makaengkwentro ng kanilang tropa ang ‘di batid na bilang ng rebelde mula sa Eastern Visaya Regional Party Committee sa Barangay San Isidro, Las Navas Northern Samar.
Isinagawa ang operasyon ng mga sundalo base sa report ng mga sibilyan na nagsasagawa ng extortion at pananakot sa mga magsasaka ng mga rebelde sa nasa-bing lugar.

Dahil sa napapaligiran ng mga landmine ang hideout ng mga rebelde, humingi ng fire-support o pagkanyon sa pinagkukutaan ng mga terorista ang mga sumasalakay na mga sundalo.

Sa isinagawang clearing operation, narekober ng mga sundalo ang 7 nasawing rebelde at pagkakasamsam ng 5 M16 rifle, 1 R4 Rifle na may nakakabit na grenade launcher.

Sa pagtugis ng mga sundalo laban sa mga tumatakas na mga rebelde, nakaengkwentro ng mga elemento ng 803rd Infantry Bridge ang mga te-rorista 10:00 ng uma-ga sa nasabi rin lugar.

Narekober ng mga sundalo ang 1 nasawing rebelde at 1 R4 rifle na inabando ng mga kasamahan.

Dinala ng mga sundalo ang labi ng mga nasawing rebelde upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito at mabigyan ng maayos na libing.(Mark Obleada)