Advertisers
Pinangunahan ni Senador Loren B. Legarda ang pagdiriwang ng ika-127 Anibersaryo ng “Pagpupulong” ng mga Katipunero at siya rin ang nag alay ng bulaklak na ginanap sa Bahay na Tisa, Cuenca House Brgy Kaingin Digman Lungsod ng Bacoor Biyernes ng umaga.
Inihandog ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, katuwang ang Pamahalaang Panglungsod ng Bacoor, Cavite, ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining, at Tanggapan ni Kinatawan Lani Mercado-Revilla ng Ikalawang Distrito ng Cavite, ang pormal na paggunita sa Ika-127 Anibersaryo ng Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas.
Isang bahagi halaw sa ACTA AGOSTO UNO, isang lektura tungkol sa Asembleya ng Bacoor, 1898 ang binasa ni John Arcilla.
Sa maiksing pahayag ni Legarda , inalala nito ang kagitingan ng mga Katipunero at inalala ang lihim na pagpupulong na ginanap sa pangunguna ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Kasama rin sa programa sina Chair Regalado Trota Jose Jr ng National Historical Commission, Kinatawan ng ikalawang distrito ng Cavite na si Lani Mercado Revilla, Tagapangulo ng NCCA na si Victorino Mapa Manalo, Alkalde ng lungsod ng Bacoor na si Strike Revilla at Bise Alkalde Rowena Bautista – Mendiola.
Ang layunin ng pagdiriwang at itaguyod ang kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga Museo, pananaliksik, publikasyon at pagpapanatili ng mga makasaysayang lugar at estruktura.(Irine Gascon)