Advertisers

Advertisers

‘Attack dogs’ ng pro-impeachment camp’; at ‘Akyat-bahay’ sa Tondo sugpuin!

0 7,574

Advertisers

KAMAKAILAN lang ay naglabas ng opinyon ang Korte Suprema na nagbabasura sa ‘impeachment complaint’ ng House of Representatives laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa botong 13-0-2, unanimous ang naging desisyon ng kataas-taasang hukuman tungkol sa usapin.

Kung naka-move on na ang maraming Pilipino, mapa-anti man o pro-impeachment, pero bakit tila napako naman sa isyu itong sina dating Supreme Court Justices Adolfo Azcuna at Antonio Carpio? Para sa dalawa, hindi raw katanggap-tanggap ang ginawa ng Korte Suprema. Take note: Hindi lang ang ponente ng desisyon na si Senior Associate Justice Marvic Leonen ang inaatake nina Azcuna at Carpio kundi ang buong Korte Suprema mismo.

Sa buong legal history ng bansa, ngayon lang yata tayo nakakita ng mga dating mahistrado na binabanatan ang institusyon na dati nilang kinabibilangan, kahit pa pabor ang halos lahat ng miyembro ng Korte Suprema sa pagbasura sa ‘depektibong reklamo’ laban sa Bise Presidente.

Bilang mga dating nabibilang sa Judiciary, hinihingi natin kina Azcuna at Carpio na maging kagalang-galang pa rin at huwag silang umasta na parang mga attack dog na gigil na gigil na mapatalsik si VP Sara. Sila na ba ang mga bagong spokesperson ng Kamara?

Sa gitna ng lahat ng ito, dapat nating talikuran ang lahat ng ingay sa pulitika at sama-samang magnilay-nilay sa bawat inaakto o sinasabi natin, dahil sa bandang huli’y babalik at babalik pa rin tayo sa kung ano ang Rule of Law at tanging ang Korte Supreme ang may final say sa kung ano ba talaga ang mga nakasaad at intensyon sa ating Konstitusyon. Mismo!

***

MARAMI paring akyat-bahay na magnanakaw sa Maynila partikular sa Tondo.

Nitong Lunes ng madaling araw, July 21 ng taon, inakyat ng magnanakaw ang rooftop ng 4-storey apartment at pinagnakawan ang mga natutulog kong bisita na mga taga-probinsiya. Nakuha sa kanila ang 3 cellphones, sling bag na naglalaman ng P20K cash at mga importanteng identification cards. Nangyari ito 2:34 ng umaga.

Sa kuha ng CCTV sa hagdanan paakyat, isang lalaking nakasando ng black na may hawak na cellphone ang sumisilip at dahan-dahang umakyat. Pagbaba niya may bitbit na itong sling bag at tatlo pang cellphones.

Sa masigasig na imbestigasyon ng mga pulis ng Manila Police District Stn. 2, sa ilalim ni Colonel Gilbert Cruz, nakilala ang magnanakaw sa mga alas “Cham Cham” at alyas “Bolet” na nagpapalipat-lipat ng lungga sa Baseco Compound, Port Area (District 5); at Baseco Compound at Rawis, Tondo.

Naaresto ng mga operatiba ang kasabwat ni Cham Cham/Bolet na si alyas “Tyson” na siyang nakita sa CCTV na inabutan ng mga nakaw na cellphone para ibenta sa Recto, Manila.

Ang Recto ang bentahan ng nakaw na cellphones at mga alahas.

Itinuro ni Tyson ang tindahan ng mga pinagbentahan ng mga nakaw na cellphones. Narekober ng mga pulis ang 3 cellphones.

Sabi ng mga pulis, hindi nila maaring ikulong ng matagal si Tyson dahil wala pa itong kaso, habang nasa mga biktima na raw kung kakasuhan ng paglabag sa ‘Anti-Fencing Law’ (PD No. 1612) ang bumili ng mga nakaw na cellphones, na ang negosyo ay ‘buy and sell’.

Ang magnanakaw na si Cham Cham/Bolet ay hindi pa nahuhuli. Patuloy itong hinahanting ng mga pulis.

Ang kasabwat na si Tyson at ang bumili ng mga nakaw na cellphone ay dapat makasuhan sa bilang ‘accessories of the crime’ at anti-fencing. Tama ba ako, Col. Cruz?

Iminumungkahi ko rin kay Manila Mayor Isko Moreno na walisin ang mga puwesto ng ‘buy and sale’ sa Recto na bagsakan ng mga nakaw na gadgets at alahas. Now na!

Gayunpaman, pinasasalamatan ko sina Major Arnold Sagum Echalar at kanyang mga pulis (na nagtatrabaho para mabawi ang cellphones ng aking mga bisita, sadly ‘di narekober ang pera at mga ID) na sina PSMS Alejandro Alba Cruz at Mark Joseph Ong Vergara, PMSg Gerald Reyes Coronel, Mark Christian Doquenia Apan, Jomar Rentoria Cruz, Jessie Ortega Banares, Jan Russel Contreras Pena, Huward Arellano Dela Cruz, Ric Carlo Abarintos Dela Cruz, Raymond Morfe at Ryan Raymundo Rueda, SSG Kervin Laiz at Arvin Bautista, Pat. Joco Santos Sobretodo, Jhan Chris Garcia Belda, John Louisse Rafol, Jericho Evangelista at Jerson Quijano at Cpl. Jonathan Abad.

Mga Sir!, dapat makuha nyo ang akyat-bahay na Cham2/Bolet. Marami pang mabibiktima ang demonyong ‘yan habang nasa laya. Tuldukan!