Advertisers

Advertisers

Gilas Pilipinas nagsagawa ng 1st praktis sa Jeddah bago ang FIBA Asia Cup

0 55

Advertisers

NAGSAGAWA ng unang praktis ang Gilas Pilipinas sa Jeddah,Saudi Arabia bago ang FIBA Asia Cup.

Ipinakita ng Samahang Basketbal ng Pilipinas ang litrato ng national team’s training session Biyernes.

Ang praktis ay isinagawa isang oras matapos lumapag sa Saudi Arabia.

Ayon sa report mula sa PBA website, ang team ay nag-aadjust bagay sa presensiya ni June Mar Fajardo na muli itong sumali sa pangkat matapos ang nakakapagod na PBA finals series laban sa Gilas teammate Calvin Oftana at ang TNT Tropang 5G.

“I’d like to get some practice time with June Mar. It’s really important that we have to adjust to his presence,”Wika ni head coach Tim Cone.

Samantala, Oftana ay binigyan ng go signal para maglaro kahit hindi pa sigurado dahil sa injuries na kanyang natamo sa nakaraang PBA Philippine Cup.

Sisimulan ng Gilas ang kanilang kampanya sa Agosto 6 laban sa Chinese Taipei.