Advertisers

Advertisers

Senator Bong Go, patuloy ang suporta sa Yulo brothers at kay Carlo Paalam matapos ang kanilang tagumpay sa Asian Games

0 19

Advertisers

Binigyang-diin ni Senator Bong Go ang kanyang patuloy na suporta sa mga atletang Pilipino matapos niyang makasama sina Golden Boy Carlos Yulo, nakababatang kapatid nitong si Karl Eldrew Yulo, at boxer na si Carlo Paalam sa kanilang pagbisita sa Senado nitong November 11, 2026, Miyerkules.

Personal na binati ng senador ang tatlong atleta sa kanilang mga tagumpay sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan, kung saan nag-uwi si Carlos Yulo ng dalawang gold medals sa men’s floor exercise at vault events ng artistic gymnastics, habang nakamit naman ni Eldrew ang bronze medal sa men’s horizontal bar event.

Nasungkit din ni Carlo Paalam ang silver medal sa men’s 55kg boxing event matapos ang dikit na laban kontra Japan’s Rui Yamaguchi sa finals sa Nishio Gymnasium, na nagtapos sa split decision na 3-2.



Bilang pagkilala sa kanilang mga tagumpay, naghain si Senator Bong Go ng Senate Resolution No. 678 para kay Carlos Yulo, Senate Resolution No. 679 para kay Karl Eldrew Yulo, at Senate Resolution No. 715 para kay Carlo Paalam upang bigyang-pugay ang kanilang husay, dedikasyon, at karangalang ibinigay sa bansa.

Binigyang-diin din ng senador ang kahalagahan ng patuloy na pagsuporta sa mga atletang Pilipino upang mas marami pang kabataan ang mahikayat na pumasok sa sports at maabot ang kanilang mga pangarap.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">