Advertisers
INANGKIN ni Pi Durden Forward Wangkay ng Pilipinas ang bronze medal sa men’s 200m final sa Dakar sa 4th Youth Olympic Games Martes ng hapon sa Senegal, madaling araw ng Miyerkules sa Maynila.
Sa pagpapakita ng personal best na oras na 21.36 (.355) segundo, tinawid ni Wangkay ang finish line sa ikatlong pwesto ngunit 0.32 segundo lang ang layo sa gold medalist na si Ropafadzo Mizondo ng Zimbabwe na may oras na 21.04.
Halos nakuha ni Wangkay ang silver medal lalo na nang makipagsabayan siya kay Deuquan Farrell ng Guyana sa isang photo finish na 0.004 segundo lang ang pagitan nila.
Naitala ni Farrell ang 21.36 (.359) para makuha ang pilak, sa halip.