Advertisers

Advertisers

Abando babalik sa Gilas para sa November FIBA Window

0 31

Advertisers

NAKATAKDANG bumalik ang high-leaping guard ns si Rhenz Abando sa Gilas Pilipinas tatlong taon matapos ang huli niyang paglalaro para sa pambansang koponan sa FIBA 2023 World Cup sa Maynila.

Ang dating Most Valuable Player ng NCAA ay napili sa huling 12 para sa ikalimang window ng FIBA World Cup 2027 Asian Qualifiers Miyerkules ayon sa anunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa kanilang opisyal na social media accounts.

Si Abando, na kasalukuyang naglalaro para sa Anyang Jung Kwan Jang Red Boosters sa Korean Basketball League, ay sasamahan ng naturalized player na si Bennie Boatwright.



Gagawa ng kanyang Gilas debut si Boatwright sa Nobyembre 27 kapag hinarap ng Pilipinas ang Syria, kasunod ng laban kontra Iran sa Nobyembre 29 sa Karisma Arena sa Seremban, Malaysia.

Babalik rin para sa pambansang koponan ang big men kabilang sina sina Quentin Millora-Brown at Mike Phillips, na parehong hindi nakapaglaro sa ika-apat na window sa Manila kung saan tinalo ng Gilas ang Jordan at Iran.



Si Kai Sotto ang mangunguna sa lokal na koponan, kasama sina Dwight Ramos, Kevin Quiambao, AJ Edu, Scottie Thompson, CJ Perez, AJ Edu, Chris Newsome, kasama si Juan Gomez de Liano.