Advertisers
MAY bumulong sa korner na ito na isang mapagkakariwalaang pipit na aniya’y may mababakanteng puwesto para sa commissioner’s slot sa Philippine Sports Commission.
Ayon sa ating source na si Pipitsugin, may isang commissioner na mapapalitan umano sa dahilang kalusugan o ayaw maghalo ang puti sa de- kolor lang.
Okey naman ang kasalukuyang board sa PSC sa pamumuno ni Chairman Pato Gregorio pero wala namang magagawa kundi palitan ang isang nakapwesto anuman ang rason.
Pero kung true nga na magkakaroon ng palitan uli sa board ay no choice kundi ang humanap ng pamalit sa malaking sapatos na pupunan.
Kung ang Uppecut ang tatanungin, may isa akong napipisil na maging Commissioner ng ahensiya ng pamahalaan sa sports ,walang iba kundi si Kapitan Marlon ‘Marvelous Manalo- ang international multi- medalist Filipino pool shark at public servant ng matagal na panahon.
Bilang isang sportsman ay energetic ang kanyang performance to the max kung kaya sobrang dami rin ang kanyang followers at halos di mabilang ang kanyang mga medalya at tropeo sa kanyang magarang room/ galeria sa kanyang balwarte sa Mandaluyong.
Management-wise ay swak siya bilang PSC commissioner at bilang atleta dati ay alam niya ang likaw ng sport partikular sa pangangailangan at ang mga dapat na ikalinga sa mga manlalaro nating bagong bayani ng bayan.
Ang kanyang mga tropeo at medalya sa sports at bilang public servant ay sumasalamin sa kanyang kakayahang maging top brass commissioner ng PSC sa malaong hinaharap..KUME KAP MARVELOUS MARLON MANALO…ABANGAN!