Advertisers

Advertisers

Lantaran parin ang e-sabong, EO No. 09 ni PBBM dedma

0 5,370

Advertisers

LANTARAN parin hanggang ngayon ang online o e-sabong kahit na iniutos ni Pangulong “Bongbong” Marcos na lansagin ito.

Oo! kahit naglabas ng Executive No. 09 si PBBM ay lantaran parin ang promotion at operasyon ng e-sabong, at walang nahuhuli!, nandyan parin ang mga illegal gambling website na naghihikayat sa facebook ng mga mananaya.

Ayon sa research firm na The Fourth Wall, natuklasan na ang iligal na operators ay nagpapatuloy sa hosting at promotion ng e-sabong sa Facebook groups at via private messages, ang tayaan sa Gcash.



Matatandan na December 2022 naglabas si PBBM ng Executive No. 09, nagbabawal sa online gambling partikular ang e-sabong. Pero dedma lang ito sa mga illegal gambling operator, na karamihan ay may-ari rin ng sabungan at mga gamefowl breeder.

Sa Central Luzon, ang nag-o-operate ng e-sabong ay ang kilala ring jueteng lord, gayundin sa Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna at Batangas.



Talamak din ang e-sabong sa Visayas at Mindanao, na ang mga nasa likod ay mga kilalang masiao operators.

Lahat nang ito ay malayang pino-promote sa Facebook. Mga kilalang personalidad sa larangan ng sabong ang mga ginagamit sa panghihikayat ng mga mananaya.



Kung talagang nagtatrabaho ang law enforcement agencies tulad ng NBI at PNP-CIDG tiyak na masasawata ang illegal e-sabong na ito. Kaso wala eh. Naka-timbre raw kasi sa mga awtoridad ang e-sabong. Mismo!

Saan ginagawa ang e-sabong? Eh di mismo sa mga ligal na sabungan! Oo! Kung napapansin ninyo, araw-araw may sabong sa isang cockpit arena tulad ng sa Bulacan, Novaliches, at sa Maynila. Kunwari “ulutan” o “derby” at “hackgfight”. Ang mga laban dito ay naka-video at ipinadadala sa mga suking mananaya online, mga miyembro sa Facebook groups. Karamihan sa mananaya ay OFWs partikular seaman.

Kaya kung seryoso ang gobierno na sawatain ang e-sabong, ‘di na kailangan pang magpanday ng panibagong batas. Dahil mayroon nang batas laban sa illegal gambling, P.D. 1602. Hindi lang ipinatutupad dahil may timbre ang mga gambling lord sa mga awtoridad. Mismo!

***

Final! Walang mangyayaring Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Disyembre ng taon. Bagkus ito’y gagawin sa Disyembre 2026, ayon narin sa pinirmahang batas ni Pangulong Bongbong Marcos nitong Miyerkoles.

At apat na taon na ang magiging termino ng barangay officials, na mare-reelect ng tatlong beses. Ibig sabihin ay puede hanggang 12 years uupo ang barangay officials, kung mare-reelect siya.

Pero ang SK ay isang termino lang, 4 years din.

Lilinawin lang natin: Yung mga matatapos (3 terms) ang termino sa Disyembre 2026, hindi na puedeng tumakbo pa, ayon sa batas.

Kaya relax na muna tayo, Kap at mga konse. Next year pa ang election.