Dr. Felma Tria na-reelect bilang presidente ng UdM via unanimous vote
Advertisers
MULING nahirang bilang presidente ng Universidad de Manila (UDM) si Dr. Felma Carlos-Tria sa pamamagitan ng unanimous vote UdM’s Board of Regents (BOR).
Matatandaan na si Tria ay nagsilbi sa unexpired term ng kanyang predecessor na si Malou Tiquia. At dahil nag-expired na Ang term si Tria ay nahalal upang ipagpatuloy ang pamumuno sa city-run university.
Sa kanyang maiksing, apat na taon bilang UDM President, si Tria ay lumikha ng legacy sa pangunguna sa mga accomplishments ng institusyon na nagbigay daan upang mapabilang sa listahan ng top universities, internationally.
Pinatunayan ni Dr. Tria ang commitment ng UdM sa pagpoproduced ‘di lamang ng graduates kundi maging ng mga ethical leaders at responsableng global citizens na kumakatawan sa transformative mission ng pamantasan.
Ang kanyang mga accomplishments ay pinangungunahan ng kanyang ambag ‘di lamang sa progreso ng ng kanyang mag-aaral kundi maging sa United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs).
Noong 2025, pumasok ang UdM sa Times Higher Education (THE) Impact Rankings, kabilang ito sa 2,300 universities sa buong mundo.
Nagpakita ng kalakasan ang pamantasan sa No Poverty, Gender Equality, Partnerships for the Goals and Peace, Justice and Strong Institutions, pinatunayan nito na ang lokal na pamantasan ay makakagawa ng makabuluhang ambag sa mga pandaigdigang hamon.
Sa kasalukuyan, ang 18 UDM’s undergraduate programs ay tumanggap ng Certificates of Program Compliance (COPC) mula sa CHED, habang ang Association of Local Colleges and Universities – Commission on Accreditation (ALCUCOA) ay ginawarang ng Level II Accreditation in record time. Ang mga miletones na ito ay naggagarantiya na ang mag-aaral ng UDM ay tumatanggap ng edukasyon na kaparehas ng edukasyon na may national at international standards.
Maging ang mga UDM graduates ay consistent sa kanilang performance sa licensure exams, na may passing rates na 92.41% in Criminology, 83.33% in Nursing, at 100% para sa Professional Teachers in 2025, dahil dito ay tuloy-tuloy ang university Academic Excellence Awards.
Matagumpay ding matapos ni Tria ang prestihiyosong CHED–AIM Global Academic Leadership Program for Local Universities and Colleges (GALP LUC) sa Asian Institute of Management. Ang kanyang capstone project, “Place-based Postgraduate Education Case Analysis: Experiential Learning at the Workplace,” ay nagpapakita sa kanyang pananaw sa pag-integrate ng real-world applications sa academic learning, at tumitiyak na Ang mga UDM graduates ay parehong competent at responsive sa mga pangangailangan ng komunidad.
Ang UDM sa ilalim ni Tria ay nakapagpakita rin ng malakas na academic partnerships na itinatago across Asia and beyond, kabilang ang kolaborasyon sa mga institutions sa China, Korea, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Thailand at Russia.
Noong May 2025 alone, ang pamantasan ay lumagda sa mahigit na 30 institutional partnerships sa research, curriculum development and academic exchange.
Kapareho ding halaga nito ang pagpapalakas ng UDM ng research culture.
Ang NILAD Journal ay patuloy na nagsisilbing bilang official publication, habang ang mahigit na 100 faculty members ay nagprisinta ng kanilang mga nagawa sa national at international conferences. Ipinakilala din ang policy initiatives para i- institutionalize at masustina ang kultura ng pagsasaliksik.
Ang UDM nakapamahagi ng mahigit P171 million sa Social Amelioration Program (SAP) funds sa mahigit na 20,000 students sa pagitan ng 2023 at 2025 at dagdag pa rito,ang Taas Noo Manileño Graduation Gift ay nagkaloob ng P3.5 million sa 1,817 graduates upang suportahan ang kanilang transisyon sa workforce.
Ang Associate in Barangay Governance (ABG) Program ay nakapagsanay ng 50 barangay officials sa fiscal management, legislation at digital governance. Dito, tinitiyak na ang edukasyon ay lumalawig hanggang sa grassroots leadership.
Mula sa award-winning Seismic Sentinel earthquake detection system hanggang sa pagiging kampeon sa entrepreneurship at taekwondo, napatunayan ng UDM na sila ay hub ng innovation and holistic development. Ang integration ng Microsoft 365 at campus-wide connectivity ay lalo pang pinatunayan ang pagkatuto sa hinaharap , mababawasan ang digital inequalities at magiging matatag.
Noong May 2024, pinasinayaan ng pamantasan ang Amb. Francis Chua Technology Wing, isang state-of-the-art facility na naging possible dahil sa suporta at donasyon ni Chua.
Ang bagong ay inaasahang magiging hub para sa technology-driven education, innovation at research, na titiyak na handa ang mga mag-aaral ng UDM sa hamon ng digital na hinaharap. (ANDI GARCIA)