Advertisers
Ni Beth Gelena
SI Donnalyn Bartolome ang nakatanggap ng 2025 Septimius Awards na ginanap sa Europe, kamakailan.
Shinare ni Donnalyn ang isang clip ng kanyang acceptance speech sa kanyang Instagram Stories.
Aniya, “This one is for you Philippines. Yesterday I told all of you we’re a nominee at a prestigious awarding ceremony in Europe . ..now we’ll be flying home recognized as one of the best in the world at what we do, gracias y gloria a Dios! I know this is You! I’m coming home to plant more trees. ..over a thouuusand more! And we need volunteers! This helps prevent a foods. Please message @influenceus.org we’re a foundation born 5 years ago because of floods. We plant trees, provide opportunities, shelters, service, medical, education and so many more prevention initiatives I can’t wait to share to all of you. I need more leaders, more people who truly care. We need to act now! Please!!!
“Thank you @septimiusawards
Thank you everyone for supporting me. Don’t let the world change your heart! Let your heart change the world!!!!”
Ang speech ni Bartolome ay may pasaring sa mga gumagawa ng katiwalian hinggil sa maanomalyang flood control projects ng ilang opisyal ng gobyerno.
Umani ng papuri si Donnalyn sa netizens.
Ang komento ng mga netizen: “naging Miss Earth pa nga. We’re all proud of you Don! ”
“Congratulations Donnalyn you’re so inspiring…love you”
Ang komento ay mula kay Small Laude na pinasalamatan ng content creator, “thank you miss small. You’re always so sweet to me, love you too…
See u soon”
Maging si Zeinab Harake ay nagkomento, “waahhh congratulations… I’m so proud of you..Congratulations mahal ko”
***
KAYE SINABIHANG ‘HAYUP’ SI PAOLO CONTIS
SADYANG mapagbiro si Paolo Contis sa kanyang mga kaibigang celebrities.
Muli ay napagtripan ng aktor ang kaibigang aktres na si Kaye Abad.
Napagtripan niyang muli ang aktres nang magpost si Paolo ng birthday message sa friend nilang aktor na si Patrick Garcia.
Nawindang si Kaye dahil sa post ni Paolo kamakailan ang kaibigan nilang si Patrick.
Pero, ikinagulat ni Kaye ang napiling photo ng aktor.
Dahil dito, agad na napa-comment si Kaye sa photo choice ni Paolo.
Sa Instagram, nag-upload si Paolo ng selfie kasama si Patrick mula sa vow renewal ceremony nito sa Boracay nitong taon.
Imbis na mag-focus ang mga netizens sa tatlong magkakaibigan, ginawang biro ni Paolo ang kuhang larawan.
Tinakpan niya ang mukha ni Kaye sa larawan at sa mismong selfie, nilagyan niya ng birthday greeting para kay Patrick, “Happy birthday, bro! Labyu!” — nakasulat mismo sa ibabaw ng mukha ni Kaye.
Hindi nakapagpigil ang aktres at agad ni-repost ang larawan, sabay caption ng biro: “Hayup ka!”
Humingi naman ng paumanhin ang aktor, “Sorry, nakakaharang ka eh, @kaye_abad!” ani Paolo.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbiruan ang dalawa online.
Noong kaarawan ni Kaye, nagulat din ang aktres sa nakakatawang birthday greeting ni Paolo sa kanya.
Maraming netizens ang natuwa at natawa sa palitan ng biruan ng celebrity friends.
Para sa mga tagahanga, nakakagaan ng loob na makita ang ganitong klase ng closeness sa pagitan ng mga artistang matagal na sa industriya.
Samantala, noong 2024, naging usap-usapan din si Kaye matapos niyang ibahagi na nagpadala ng mensahe sa kanya si Iza Calzado.
Kaugnay ito ng naging panayam niya kay kay Boy Abunda, kung saan sinabi niyang itinuturing niyang pinakamaganda si Iza. Nagpasalamat si Iza sa kanyang mga papuri ngunit sinabi rin nito kay Kaye na huwag tanggapin ang bansag na siya ang “pangit na version” ng aktres.
***
“BACK to normal nose na tayo,” wika ni Alex Gonzaga sa kanyang IG Stories.
Ipinatanggal na kasi niya ang nose implant.
Ibinahagi ni Alex ang kanyang rhinoplasty removal journey sa isa niyang vlog.
Paliwanag niya, namumula umano ang kanyang sarili lalo na kapag malamig, puyat o pagod kaya sa tulong ni Dra. Vicki Belo, matagumpay na natanggal ang kanilang goretex implant matapos ang dalawang taon.
Proud na ipinakita ni Alex ang recovery process at nagpasalamat siya sa suporta ng mga mahal sa buhay.
Ayon sa TV host, aktres, at social media personality, dalawang taon matapos ang pagpapagawa niya ng ilong.
Napagdesisyunan niyang ipatanggal na lamang ang goretex implant dahil sa paulit-ulit na pamumula nito.
Sa Facebook post, inilakip niya ang link ng vlog kung saan mas detalyado niyang ipinakita ang buong proseso ng pagtanggal ng implant. “Parang naglalaro nalang pero legit na pinatanggal ko na ilong ko!! Back to normal nose na tayo,” ani Alex.