Advertisers

Advertisers

Bagong Projects Ng Young Actor-Singer Na Si Beaver Magtalas Sa ABS-CBN Inaabangan Na Ng Kanyang Fans And Supporters; Actor Lance Raymundo Local And International Ang Hosting Job

0 29

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

PINATUNAYAN Ang fast-rising Kapamilya actor-singer na si Beaver Magtalas ang lakas ng karisma at mass appeal nito sa first movie nila together ni Mutya Orquia na ” When Magic Hurts” na may screening sa mga school. ipinalabas ito sa mga sinehan last 2024.

Maganda rin ang ginampanang role ni Beaver as Ethan Lim sa 2024 teleserye ng ABS-CBN na”PAMILYA SAGRADO” na pinagbidahan ni Piolo Pascual. At napabilib ni Beaver ang director nila sa top rater TV political thriller drama series na sina Direk Lawrence Fajardo at Andoy Ranoy. Binibigyan talaga ng importansiya si Beaver at maganda ang ginagawang pag-aalaga sa kanya ng Star Magic. Kaya naman very thankful si Beaver sa kanyang management at sobrang grateful siya kay Direk Laurente Dyogi na namamahala ng Star Magic sa suporta at tiwala nito sa kanyang talent. At siyempre hindi nito bibiguin ang trust ng mga ito sa kanya. Sa ngayon, ay pinaghahandaan na ni Beaver ang gagawing proyekto sa ABS-CBN, na di pa pwedeng i-divulge. Basta big project uli ito. At may maganda rin ang plano ang Star Music Philippines para sa singing career ng binata ni Ma’am Filipina Magtalas. Remember di ba, isa sa goal ni Beaver ay makapag-release ng single. Well, in the near future ay matutupad na ito. Samantala, lahat ng fans ni Beaver mula sa iba’t-ibang chapter ay excited na at kinasasabikan ang new projects ng kanilang idolo. Na kay Beaver na ang lahat ng qualities para maging ganap na big star. Gwapo siya, matangkad, smarte at parehong may talent sa acting and singing also dancing.Isa rin siyang social media influencer na nagsimulang sumikat noong panahon ng 2020 pandemic.

***

HAPPY kami at hanggang ngayon ay very fabulous pa rin ang career ng singer-actor and host na si Lance Raymundo in local showbiz and international. Kung saan marami talaga ang kumukuha kay Lance sa abroad para mag-host ng mga International Beauty Pageant at iba pang events. Yes, mahusay na pageant host si Lance, magaling pang performer kaya natutuwa at satiesfied ang lahat ng mga kumukuha sa kaniya at suki na niya ang mga ito.

Pagdating naman sa kanyang acting career wow, sunod-sunod ang movie projects ni Lance tulad ng bagong movie na “Time Heals” with his leading-leady Meghan Dionisio na NDM Originals and directed by Njel de Mesa at ang “No Country For Old Men” directed by “The Wrath” director Jeff Solema.

Naging parte siya ng mga pelikula at may mga product endorsements rin si Lance like: Mosbeau, Contura Medica kasama ang sikat na brother na si Rannie Raymundo, Power Strum Colustrum, Urban Smiles Dental Clinic Etc. Naging parte rin si Lance bilang si Sebastian Prago ng hit action-drama series na “Totoy Bato” sa TV 5 na pinagbidahan ni Kiko Estrada. Enjoy naman si Lance playing the character of Domeng in 3-part mini-series na “Tadhana” na hosted by Marian Rivera. Ang SPRING FAIRY ENTERTAINMENT pala ang isa sa nagha-handle ng career ni Lance Raymundo.

This October, naman ay may concert sina Lance and Rannie with Laarni Lozada, Michael Sager and Angeline Quinto. Abangan na lang ang details ng said concert sa social media accounts ni Lance tulad ng kanyang FB Page na Lance Raymundo.