Advertisers
Inanunsiyo ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakadakip sa siyam na Chinese nationals na sangkot sa illegal mining activities sa Aroroy, Masbate.
Iniulat ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. na isinagawa ang operasyon noong September 22 ng BI-Regional Intelligence Operations Unit 5 (RIOU5), sa pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine National Police, Masbate Provincial Police Office at government intelligence forces.
Ayon kay Manahan, ang grupo ay hinuli sa dalawang hiwalay na mine sites sa Barangay Cabangcalan at Barangay Pangle. Inabutan silang nagsasagawa ng mining activities nang walang kaukulang visas o permits at ang iba ay ‘overstaying’ din o nagta-trabaho na paglabag sa kanilang immigration status.
Dinala sila sa Maynila para sa booking at ngayon ay naka-detine sa BI facility sa Taguig, kung saan sila sasailalim sa deportation proceedings. (JERRY S. TAN)