Advertisers

Advertisers

2 ‘PASAWAY ‘ NALAMBAT SA OPLAN GALUGAD NG PASAY POLICE AT TASK FORCE MULTIPLIER

0 113

Advertisers

DALAWANG lalaki na pasaway sa kalsada ang himihimas ngayon sa malamig na rehas matapos masukol ng mga awtoridad habang nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ sa Barangay 197 lungsod ng Pasay.

Ang mga naaresto ay sina Jerry Menueta, 34 taong gulang, binata, Construction worker, at naninirahan sa No. 47 Sampaguita B, Barangay 197, Pasay City, at Manuel Caras II, 30 taong gulang,binata,Baggage Loader, na naninirahan sa Vitales Compound Sampaguita Street, Parañaque City.

Ang pag-aresto sa dalawang suspek ay para sa mga Paglabag sa P.D.1602 Iligal na Pagsusugal (Cara y Cruz) at Seksyon 11, Artikulo II ng R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at pagkumpiska ng humigit-kumulang 0.06 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang SDP na PhP408.00.

Ayon sa ulat, ang insidente ay naganap noong Biyernes ng madaling araw, Pebrero 13,2026 sa Sampaguita A Street, Barangay 197, Pasay City.

Bago ang pag-aresto, ang mga tauhan ng Sub-Station 8 (Airport), Pasay CPS, na binubuo nina PCpl Elson Calupas, Pat Nasrudin Zacaria sa pangunguna ni PMSg Ryan Tongtongdan at mga miyembro ng PNP Task Force Multiplier Anti-Crime (PNP TFM Anti-Crime) Vanie Cañete, Mark Kennedy Naling Maranda, Yujero Puma Gonzales Niño Del Mundo at Ronald Prades sa ilalim ng gabay ni Eva ‘ Crimebuster’ Tulagan, ay nagsasagawa ng foot patrol nang mapansin nila, sa Sampaguita A Street, ang isang grupo ng mga lalaking indibidwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal, partikular na ang paglalaro ng Cara y Cruz na may kaakibat na pera.

Agad na nilapitan ng mga opisyal ang grupo; ngunit, nang maramdaman ang kanilang presensya ay agad nagpulasan at nagkalat sa iba’t ibang direksyon.

Hinabol ng mga awtoridad ang grupo ng mga ‘pasaway’ na nagresulta sa pagkakahuli ng dalawang (2) mananaya/manlalaro, habang ang iba ay nakatakas sa pagkakaaresto.

Narekober mula sa pinangyarihan ng sugal ang tatlong (3) isang pisong barya na ginamit bilang palikpik at perang taya na nagkakahalaga ng Tatlong Daan at Limampung Piso (PhP350.00), gayundin, nakuha sa pag-iingat ni Menueta ang hinihinalang shabu.

Ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Sub-Station 8 (Airport) para sa dokumentasyon at inquest proceedings. (JOJO SADIWA)