“Pop Rock Diva” Rozz Daniels, Pangungunahan Ang Ribbon Cutting Today(Feb 15) Sa Grand Opening Ng Filipino Seafood Resto Sa Paseo De Sta. Rosa Mall
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
‘Yung supposedly ribbon cutting, ni Rozz Daniels last Feb 8, para sa Grand Opening ng Filipino Seafood Restaurant sa Sta. Rosa Laguna na hindi natuloy dahil sa ilang papers pa na kailangan. Ngayong araw ng Linggo(Feb 15) ay matutuloy na ang pagbubukas ng said resto na located sa Paseo de Sta. Rosa Mall, Sta. Rosa Laguna. At aming sasamahan ang international recording artist na si Rozz Daniels sa event na ito, kung saan siya nga ang kinuhang guest para pangunahan ang nasabing ribbon cutting. At dahil sa recording artist nga itong si Rozz, ay posibleng mag-request ang mga owner ng resto na kumanta siya sa event. At tiyak, na papaunlakan naman sila ng Pop Rock Diva. Ipaghahanda raw pala si Rozz at american husband nito na si Sir David ng kanilang specialty sa resto na iba’t-ibang yummy seafoods. Kaka-excite lalo’t kasama kami rito.
By the way, dito sa Pinas ay first time ni Rozz, na mag-cut ng ribbon sa bubuksang resto kaya’t excited na siya na pangunahan ito. At saka ang ganda ng Sta. Rosa Laguna kaya baka mamasyal pa si Rozz, kasama kami siyempre after ng dadaluhang okasyon. Samantala last Feb. 10 , sa ka-fiestahan sa dating lugar ni Rozz sa Brgy 832-Zone 90 sa Otis, Paco Manila. Bukod sa kanyang pagja-judge sa matagumpay na “Miss Gay Pangkalawakan 2026.” Hinilingan ng konsehala roon na kumanta si Rozz. At yes, kahit impromtu ay pinagbigyan sila ng magaling na singer. Ganyan naman si Rozz ayaw niyang biguin ang humihiling sa kanyang kumanta. Hayun at marami ang humanga sa pagkanta niya ng Bulong Ng Damdamin na latest single revival niya. May mga nakasalubong nga kami na pinupuri si Rozz, sa kanyang performance. At kahit na ire-release pa lang ang song niyang ito. Nasa Tiktok, na rin ang Bulong Ng Damdamin na ni-lypsinc ng mga ka-team Rozz ko na sina Benny Andaya at Timmy Basil at umani na ito ng thousand of views and still counting!