Advertisers

Advertisers

Katrina Halili nilinaw ang relasyon nila ni Kris Lawrence

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio

Nilinaw ni Katrina Halili ang ilang katanungan ng fans tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng dating partner na si Kris Lawrence.

Sa isang Facebook post, sinabi ng aktres na may mga pribadong bagay silang pinipiling sarilinin. Ayon kay Katrina, hindi lahat ng nakikita ng publiko, lalo na sa harap ng camera, ay kumakatawan sa buong buhay nila.

“May mga nababasa akong messages at emails tungkol sa amin ni Mr. B, kaya gusto ko lang sabihin ito,” pahayag niya.

Inamin din ni Katrina na hindi siya likas na malambing o expressive. Minsan, aniya, lumalabas ang kanyang pagiging awkward sa pamamagitan ng pang-aasar, pagpapatawa at pagme-make face.

Hiniling niya sa fans na huwag agad humusga base lamang sa kanilang nakikitang pakikitungo sa isa’t isa.

“Hindi naman lahat ng plano kailangang i-announce,” saad ng aktres.

Dagdag pa niya, mahalaga sa kanya ang paggalang at pag-aalaga kay Kris kahit iba ang paraan niya ng pagpapakita nito.

Samantala, sinabi ni Katrina na mas mabuting hayaan nilang natural na umusad ang kanilang relasyon. Pinasalamatan din niya ang mga tagahanga sa kanilang pag-aalala at pagiging protective sa kanya.

Noong Hunyo, sa kanyang pag-guest sa “Fast Talk With Boy Abunda,” kinumpirma ni Katrina na muli siyang nililigawan ni Kris.

Nagkaroon sila ng anak na si Katie noong 2012. Naghiwalay sila noong 2014 ngunit nanatili silang maayos na magka-partner sa pagpapalaki sa kanilang anak.