Advertisers

Advertisers

OVP, NAGBAYAD NG CIF KINA BELAT, PAGONG AT PUSA!

0 1,638

Advertisers

KAKATWA! Ang Confidential and Intelligence Fund na pera mula sa kaban ng bayan ay ibinayad ng Office of the Vice President (OVP) sa mga katulad nina Xuniso P. Belat, Antonio Pagong, Timon Andrew Pusa, Fernando Tempura, Jay Kamote, Miggy Mongo at Chippy McDonald.

Pinagmumukhang tanga ang milyon-milyon mga Pilipino kung basta na lamang sisikmurain, paniniwalaan at tatatanggapin ang pagbabayad na ito ng OVP ng CIF kina Belat, Pusa, Pagong at maraming iba pa?

Kasamang iniharap sa Senate Impeachment Court ang iba pang mga acknowledgement receipt (AR) na may lagda ng mga nagngangalang Shane Ngitngit, Dong Piang at May Pamana.

Nauna nang iniharap ng prosecution team ang mga AR na nagpapatunay na nagsitanggap din ng CIF sina Mary Grace Piattos, Xiaomi Ocho, Kokoy Villamin, Milky Sucuya at iba pa na pawang pinagsusupetsahang gawa-gawa at imbento lamang ng OVP upang palitawin na nagugol ng tama at naaayon sa batas ang mahigit sa kalahating bilyong CIF ng tanggapan ng Bise Presidente.

Kasamang dapat na papanagutin sa mga kabulastugang ito liban kay VP Inday ang kanyang mga pinagkakatiwalaang mga opisyales tulad nina Lemuel Ortonio at Gina Acosta na kapwa humarap sa paglilitis ng Senate Impeachment Trial na halatang pilit na isinasalba sa pananagutan ang kanilang amo.

May humigit-kumulang sa 12 tao pa ang pinaniniwalaang kasangkot din ni VP Inday sa CIF scam, kabilang dito ang isang Col. Raymund Dante Lachica ang Chief Security Officer ng Bise Presidente na pinuno ng tinatayang mahigit sa 500 security personnel mula sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police?

Si Col. Lachica ay inilaglag nina Gina Acosta, Special Disbursing Officer ng OVP at Ortonio, Assistant Secretary at Assistant Chief of Staff ni VP Sara na kumuha kay Acosta ng mahigit sa kalahating bilyon na CIF, bagamat hindi ito awtorisadong disbursing officer at di rin fidelity bonded official upang mamudmod ng CIF sa mga recipients na tulad nina Belat, Pagong at Pusa at sa iba pa.

VP Sara Duterte at Lemery, Batangas Mayor Ian Alilio

LEMERY MAYOR IAN ALILIO, BINABALAHURA NI ALYAS DANNY SAKLA!

HINDI lamang 20 sakla den ang umaalagwa gabi’t-araw, bumagyo man at bumaha sa bayan ni Lemery Mayor Ian Kenneth Alilio.

Baka hindi alam ni Mayor Alilio na gamit na gamit ang pangalan niya sa pangdedelihensya nina alyas Danny Sakla, operator ng mga sakla den sa iba’t ibang barangay sa Lemery at ng isang alyas Aldwin na nagpapanggap na encargado ng tanggapan ni Batangas Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Lt. Col. Bryan Dexter Andulan.

Kasosyo ni alyas Danny Bakla sa mga saklaan ang isang alyas Mayor kaya’t di matinag ng kapulisan ng Lemery sa pamumuno ni Lt. Col. June Aian Rojas at maging ng Batangas Provincial Police Office sa ilalim ni Col. Oliver Ebora ang operasyon ng mga naturang saklaan.

Nagtataka ang ating mga KASIKRETA kung bakit wala kahit isa man sa mga miyembro ng konseho at maging si Lemery Vice Mayor Hannah Beatriz Cabral ang tumutol sa talamak na operasyon ng sakla sa kanilang bayan.

Malayong-malayo kung ikukumpara ang liderato ng pinakabatang nahalal na Lemery Mayor Alilio sa kanyang yumaong ama na undefeated Lemery Town Mayor Larry Alilio.

Sa panahon ng kaibigan nating Mayor Larry ay walang operasyon ng sakla at wala ding tulad nina alyas Danny Sakla at Aldwin na sumisira sa pangalan ng alkalde. PNP Region 4A Acting Dir. PBGen. Dominic Baccay, aksyon naman? May karugtong.

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144