Advertisers

Advertisers

Hindi na “MANOK” ang usapan sa Bulacan flood control project, “BABOY” na!

0 3

Advertisers

Sa mga high school classmates at batch mates ko sa PCC High School 60-64 na staying for good sa USA, Canada, Australia, United Kingdom and elsewhere in the globe — ito na ang update ko para sa inyong ginigiliw na probinsya ng Bulacan! HINDI NA “MANOK” ! … “BABOY” na ang pinagusapan sa trending na Flood Control Project sa kalakhan ng inyong iiwang probinsya ng Bulacan. Yes, dear batch mates of our beloved Alma Mater, hindi na MILYUNES — BILYONES ang pondo ng bayan na inilaan para sa Unang Distrito ng Bulacan na kinakatawan ni Congressman Dad D. Domingo at sa Ikatlong Distrito na kinakatawan ni Congressman Lorna Silverio — na ang tanong ng mga alkalde ng BULACAN ay: Nasaan na ang mga BILYONES NA ITO?

NABASA KO ANG ULAT NG PCIJ – para sa taong 2023 hanggang 2025, si Congressman Domingo aka Dad ng Bulacan ay may PhP26,231,632.000.00 para sa tatlong taong implementation of their flood control program samantalang si Congressman Lorna Silverio ay may PhP32,048,501,000.00.

Exactly one year ago in August 2025, in a surprise sortie the President (BBMJr) went to inspect this stretch of one of Bulacan’s dikes that to the his dismay —“parang pulbos ang simiento na ginamit sa gumuhong dikeng ito”, sabi nga ng ilang maniniyut at manunulat na nag-cover sa naturang Presidential Inspection.

“Stories keep riding the stale wind above the province of Bulacan and the hapless Bulakenyos cannot make do with what’s obtaining right this very moment as the sight of many people paddling their way through the breast deep floods that almost enundated the whole province..” sabi naman sa isang broadcast sa foreign wires ang narinig ko kahapon ng madaling araw.

Ang tanong nga ng isang mayor, na kung hindi ako nagkakamali ay kamag-anak ng pinagpipitagan naming ahente ng PC CIS nuong circa 50-60 at naging kinatawan rin ng Bulacan sa Kongreso nuong dekada 70 : Nasaan na kayong mga serbisyo sibil (or acclaimed public servants) sa mga sandaling ito na lubog sa tubig baha ang ating bayan ng Bulacan?

Ang nga kinatawang ito sa Congress ay pawang mga ka-kwadra nina Senador Joel Villanueva ng CIBAC partylist, ayon sa mga political pundits. Syempre pa sila’y kaalyadong dikit ng “pamosong” Gobernador Daniel Fernando ng Bulacan na hindi maikakaila dahil dyardo, telebisyon at lalo na ang social media ang makapagpapatunay na iisang “clique” ang mga karakter na pumapailanlang ngayon sa Bulacan Flood Control Program. Alalaumbaga’y hindi alam ng mga ito kung ano ang isasagot sa mga taong ng mga mamamahayag at mga mamamayan sa kani-kanilang mga distrito, syudad at munisipalidad na kung saan na naroroon ang bilyones na ito na inilaan para sa Bulacan.. Given the DPWH engineer who figured in the early Congressional Hearing on flood mitigation funds and being a mainstay in the province of Bulacan’s infrastructure projects, no doubt the province was pampered with billions worth of flood control funds—heaping to the brim … Onle !

The governor, a former movie actor can only respond : “I will inquire…I do not that there is such an amount alloted for Bulacan.” “Mukhang hindi kapanipaniwala your honor — na kayo ang ama ng probinsya, yet you are blind? ” — kumento ng isa nating co-alumni na si Loi !

Yan mga classmates at batch mates ang mga huling kaganapan sa inyong iniwang probinsya ng Bulacan. Kung may panahon naman kayong magbalik bayan, e mas mabuting silip-silipin nyo muna mga “mates” ang inyong maliliit na sakahan kung makikita nyo pa! Sana humupa na ang baha paglapag ng eroplano ninyo sa ating bansang sinilangan! Réunion na!!!