Advertisers

Advertisers

DANIEL PADILLA EXCITED NA SA INCOGNITO BOOK 2

0 7

Advertisers

Ni DOMINIC REA

Mindanao ang naging sentro ng shooting ng inaabangang Incognito Book 2. Mga lugar sa Mindanao kung saan bukas na ipapakita ng Incognito production ang mga totoong sitwasyon at buhay ng mga tao doon.

Sinasabing kinatatakutang lugar ang kanilang naging setting pero kabaliktaran ang kanilang naranasang hospitality at respeto kaya naman nagpapasalamat ang buong production sa kooperasyon ng ating mga kababayan sa tulong na rin ng mga LGUs! Kahit si Daniel Padilla ay tuwang tuwa sa napakainit na pagtanggap sa kanya kasama na ang buong major cast ng serye.

Ayon pa kay Daniel, excited na rin na siya sa pagpapalabas ng serye na maaring ngayong taon na!

BEA ALONZO RERESBAK KAYA KAY SHIRLEY KUAN?

Naku! Sa isyung kinasasangkutan ngayon nina Shirley Kuan na nagbitiw na manager ni Bea Alonzo ay hanging parin ang lahat dahil ang dating manager palang nito ang nagsalita kamakailan.

Mukhang tahimik pa rin ang kampo ni Bea patungkol sa mga salitang binitiwan ng dating manager. Marami actually ang nagsasabing baka any moment ay reresbak naman si Bea patungkol sa naturang isyu nila ng kanyang dating manager.

Mahirap manghusga sa panahong ito dahil wala pa namang binibitiwang litanya si Bea upang ipagtanggol naman ang kanyang panig sa isyu!

Sino kaya ang nagsasabi o magsasabi ng totoo? Kanino kaya mapupunta ang simpatiya ng madlang pipol sa isyung ito?