Advertisers

Advertisers

9 sugatan, 40 pamilya naabo bahay sa sunog sa Makati

0 19

Advertisers

Sugatan ang siyam na katao at 40 pamilya ang apektado ng sumiklab na sunog sa isang gusali sa Barangay Pio del Pilar, Makati City nitong Linggo madaling araw , Oktubre 5.

Ayon sa Bureau of Fire Protection–National Capital Region (BFP-NCR), naapektuhan ng apoy ang isang hardware shop sa kanto ng Washington Street at Facundo Street. Nadamay rin ang mga residential unit sa itaas na palapag ng gusali.

Itinaas ang unang alarma 12:34 ng madaling araw at umabot sa ikalawang alarma pagsapit ng 12:39 ng madaling araw. Nakontrol ang apoy ng 2:20 ng madaling araw bago tuluyang naapula pagsapit ng 2:44 ng madaling araw.



Kabilang sa mga nasugatan ang ilang residente na tumalon mula sa gusali para makaligtas. Wala namang naiulat na nasawi.

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at tinataya ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">