Advertisers

Advertisers

Alvin Aguilar 4x Coach of the Year ng SJJIF Worlds sa Japan

0 12

Advertisers

ISA na namang tagumpay ang nakamit ng isang Pilipino sa pandaigdigang entablado.

Si Alvin Aguilar, kasalukuyang pangulo ng Wrestling Association of the Philippines sa POC family at nagtatag ng pinakamalaking jiujitsu organization sa bansa ay kumopo ng 4 na awards sa SJJIF World Championship na idinaos sa Chiba, Japan kamakailan na dagdag ningning sa kanyang halos 3 dekada na sa coaching career.

Ang founder din ng Deftac Philippines na si Aguilar ay tinanghal na best coach sa apat na kategorya-Gi Adults,Gi Kids , NoGi Adults at No Gi Kids dahil sa kanyang pagtimon sa Filipino Jiujitsu team sa kanilang matagumpay na kampanya sa Chiba tournament.

“ I am incredibly proud to share that I have received the quadruple award for coach of the year award in the world at the SJJIF World Championship held in Chiba, Japan”,post ni Aguilar sa kayang facebook account.

Nakamit ng founder din ng URCC na si Aguilar ang karangalan dahil sa umiskor ang kanyang mga manlalaro ng mga puntos sa bawat kategorya na nag- produce ng mga kampeonati ng torneo.

“ Here’s to greater things ahead of us”, ani Aguilar kasabay ng pasasalamat niya kina Generals Sensei Xande Ribeiro at Saulo Ribeiro sa kanilang giya sa produktibong kampanya ng Pilipinas sa Chiba. (Danny Simon)