Advertisers

Advertisers

Sino kaya ang maging DoJ Sec? SI ‘BOYING’ REMULLA NA ANG BAGONG OMBUDSMAN!

0 20

Advertisers

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman, kapalit ni Samuel Martires na natapos ang termino noon pang Hulyo ng taon.

Si Remulla, dating kinatawan sa Cavite, ay nagsilbi bilang ika-59 na DOJ secretary mula June 2022.

Sa ilalim ng kanyang liderato, ikinasa ng ahensya ang mga reporma para mapabilis ang paglilitis ng mga kaso, mapabuti ang mga kulungan, at mapalawak ang serbisyong legal para sa publiko.

Sa pagkakatalaga kay Remulla, iginiit ng Malakanyang na mananatiling matatag ang kampanya ng pamahalaan laban sa korapsyon.

Bukod dito, inaasahan din kay Remulla na higit pang palalakasin ang mga hakbang para sa katapatan, pananagutan, at patas na pagpapatupad ng batas.

Wala aniyang sacred cows, wala itong sisinuhin at walang palulusutin.

Ipinaalala rin ng Palasyo na ang mga nasa posisyon sa pamahalaan ay dapat magsilbi nang tapat, patas, at para sa kapakanan ng publiko, hindi para sa pansariling interes.

Samantala, inaantabayanan na kung sino ang itatalaga ng Pangulo bilang kapalit ni Remulla sa DoJ. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)