Advertisers

Advertisers

SI KIKO, SI PIA O SI RISA KAPALIT NI PING SA BLUE RIBBON

0 10

Advertisers

PINANGALANAN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga senador na posible magsilbing bagong chairperson ng Senate blue ribbon committee matapos magbitiw sa puwesto si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson.

Ayon kay Sotto, kabilang dito sina Senators Joseph Victor “JV” Ejercito, Raffy Tulfo, Pia Cayetano, Francis “Kiko” Pangilinan at Risa Hontiveros.

Sina Cayetano at Pangilinan ang mga abogado.

“Para sa akin kung sino ang rekomendasyon ni Senator Lacson would have a very strong edge over anybody else,” wika ni Sotto.

“Pag-uusapan namin. As a matter of fact, tumawag ako ng caucus bukas ng tanghali, kaming mga member ng majority para pag-usapan itong nangyaring ito sa resignation ni Senator Lacson,” patuloy pa niya.

Nabatid na sinubukan ni Sotto na pigilan si Lacson bago pa niya matanggap ang resignation letter nito.

“Sinusubukan ko no’ng dalawang araw eh hindi pa siya nagsa-submit ng sulat no’n kaya sinusubukan ko pero itong pagkaka-submit niyang ito, palagay ko hindi na natin kayang kumbinsihin,” sabi ni Sotto.

Ang Senate Blue Ribbon ang pinakamakapangyarihang komite at ito ang kasalukuyang nag-iimbestiga sa multi-billion flood control projects kungsaan sangkot ang ilang senador, kongresista, mga kontratista at DPWH officials at engineers.

Samantala, para kay Ejercito sa pagsasama sa shorlist: “Salamat sa konsiderasyon para maging Chairman ng Blue Ribbon Committee pero alam ko ang limitasyon ko.”

“Mas maraming mas may kakayanan na mag Chair ng importanteng Commitee na ito,” ani Ejercito.

Sa kabila naman na “flattered” si Tulfo, sinabi niyang tatatanggihan niya ang posisyon sakaling ialok ito sa kaniya.

“I don’t want to lose focus on my three committee chairmanships that are my main advocacies — Labor, Migrant Workers and Public Services,” hirit ni Tulfo.

Kaya sina Pia, Kiko at Risa nalang ang pagpipilian. (Mylene Alfonso)