Advertisers
NANGANGAMBA si Senador Imee Marcos para sa kaligtasan sa buhay ni Vice President Sara Duterte kasunod ng pagkakatalaga kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman makaraang piliin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“Bonget, si Boying talaga? Sure ka? Ok ka pa ba?” tanong ng presidential sister.
“Nakaraang taon ko pa sinasabi, palpak ang PLAN A na People’s Initiative, Palpak ang PLAN B na Impeachment, PLAN C itong sa Ombudsman,” ayon pa sa senadora.
Ani Imee, “Sa ngayon, ang iniisip ko na lamang ay kaligtasan ng buhay ni VP SARA.”
“Palagay ko ang kailangan natin ay PEOPLE’s OMBUDSMAN.
yung kapanipaniwala, katiwa-tiwala at hindi kasapakat ng kung sino,” pagtatapos niya. (Mylene Alfonso)