Advertisers
NAGHAIN nitong Lunes ng petisyon sa Kataas-taasang Hukuman ang abogadong si Atty. Romulo Macalintal kaugnay sa pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2026.
Sa inihaing ‘Petition for certiorari and prohibition’, kinuwestyon ni Atty. Macalintal ang batas na nagdulot para hindi matuloy ang isasagawa sanang eleksyon.
Kaya’t personal aniya siyang pumunta ng Korte Suprema upang hilingin na agad aksyunan ang petisyon at magsagawa ng ‘special raffle’.
Ayon kay Atty. Macalintal, kalakip sa petisyon ang kahilingan na mag-isyu ang Korte Suprema ng TRO o Temporary Restraining Order para pigilan ang implementasyon ng Republic Act No. 12326, batas nagpaliban sa BSKE 2026.
Naniniwala ang petisyuner na ang pag-postponed ng halalan ay maituturing na paglabag sa karapatan ng mamamayan upang makapamili ng mamumuno sanang mga lider ng barangay.
Masyado na aniyang mahaba ang termino ng mga opisyal ng barangay sa pauli-ulit na pagkaudlot ng naturang eleksyon.