Advertisers

Advertisers

MON ILAGAN, 2 IBA PA INILUKLOK NI PANGULONG MARCOS SA PCO

0 429

Advertisers

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga bagong opisyal sa Presidential Communications Office (PCO) at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga bagong appointees si Mr. Ramon “Mon” Ilagan na inilagay ni PBBM bilang Undersecretary ng PCO.

Si Ilagan ay dating alkalde ng Cainta, Rizal at isang beteranong mamamahayag.

Iniluklok din ang dating PCO Director na si Ms. Rowena Quiogue bilang Assistant Secretary ng ahensya.

Kasabay nito, hinirang naman si Ms. Monica Pagunsan bilang Undersecretary ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).

Samantala, inaasahang ilalabas ng PCO sa mga susunod araw ang listahan ng iba pang mga bagong opisyal sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Nabatid na layon ng mga bagong appointments na ito na palakasin pa ang operasyon at serbisyo ng mga ahensya sa ilalim ng administrasyong Marcos. (Gilbert Perdez)