Advertisers

Advertisers

P15-BILYON ‘GHOST MILITARY PROJECTS’ NG AFP, PINAIIMBESTIGAHAN

0 9

Advertisers

Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang sinasabing 15 billion pesos na halaga ng military ghost projects mula 2023 hanggang 2025.

Ayon sa AFP, ang kumakalat na akusasyon ay purong kasinungalingan, iresponsable, at layon lamang sirain ang pamumuno ng ahensya.

Anila, lahat ng itinatayong pasilidad ng militar sa ilalim ng Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad o TIKAS program ay pinondohan at ipinapatayo ng Department of Public Works and Highways.



Nilinaw din ni AFP Chief General Romeo Brawner Jr. na walang pondo na konektado sa TIKAS projects ang inirerelease mismo sa military organization dahil ang DPWH ang ahensyang nangangasiwa sa pera.