Advertisers

Advertisers

‘CORRUPTION CHARGE’ ‘DI DUMIKIT SA CUSTOMS CHIEF

0 6,136

Advertisers

HINDI ikinabahala ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang huling ulat ng ‘US State Department’ at ‘Transparency International’ na isa ang Aduana sa patuloy “pinaka” korap na ahensiya ng pamahalaan.

Tama naman kasi ang kanyang pahayag na pagkaupo pa lang niya sa puwesto noong Hulyo, reporma at pagtutuwid ng mga nakitang kabulastugan sa mga proseso at sistema ang kanyang unang tinutukan.

Sa kanyang unang tatlong buwan sa puwesto, nagsisimula nang maramdaman ang epekto ng kanyang mga isinusulong na reporma kung saan ang pangunahin dito ay ang kanyang ‘No Take Policy’ na marami sa pantalan ang hindi makapaniwala!

Sa “pagkuwenta” ng ilang miron, PBBM, aabot na sa higit P200 milyon ang suhol, ehek, “pasalubong” na tinanggihan ni Comm. Ariel.

Eh, kung ganyan, dapat mo talagang ibida na hindi ka nagkamali ng pagtatalaga kay Comm. Ariel, tama ba, Finance Secretary Ralph Recto?

“Talo-asar” pa nga ang mga korap dahil “sinarhan”niya ang isang “butas” ng korapsyon sa ginawa niyang agarang pagpapatigil sa pagsisilbi ng mga ‘mission orders (MOs) at ‘LOAs’ (letter of authority) na inaprubahan ng kanyang pinalitan sa puwesto.

Ibinalik rin niya ang insentibo sa mga ‘importer’ na makagpanegosyo ng maayos sa piyer sa pag-obliga sa lahat ng opisyal at empleyado ng Customs na ideklara ang kanilang interes sa ano mang customs brokerage bilang bahagi ng kanyang ‘No Conflict of Interest (COIN) Policy.’

Sa mga nakaraang panahon kasi, may ‘enrollment list’ sa BOC kung saan iilang “pinagpala” at “nabasbasan” ang “nag-iimbudo” sa bulto ng transaksyon. At ‘silent business partners’ dito ang ilang mga opisyal at empleyado ng ahensiya.

Sadyang mahirap supilin ang katiwalian sa Aduana, sabi sa atin ni Comm. Ariel.

Subalit ang mabawasan ito ng malaki at maibalik sa ahensiya ang tiwala ng publiko at mga negosyante sa kanyang termino ay isa na ring “tagumpay” para sa kanya.

Abangan!