Advertisers
Umakyat na sa mahigit 150,000 ang mga naitalang violators ng “Safer Cities Initiative” sa Metro Manila as of late April 2026, ayon sa ulat.
Sa kabila ng mataas na bilang ng nahuli—kadalasan dahil sa pag-inom, paninigarilyo, nakahubad sa publiko lugar at curfew—bumaba rin umano naman ang focus crimes (murder, homicide, rape) dahil sa pinaigting na police visibility.
Subalit kabaliktaran naman sa probinsya ng Mindoro. Imbes na tumalima umano sa kautusan ni Secretary Remulla itong sina Occidental Mindoro Provincial Director PCol Timoteo Espiritu, Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita at Police Regional Office MIMAROPA Regional Director PBGen Jovencio Badua ay pangungunsinti naman sa iligal na sugal ang pinaiiral kung pagbabasehan natin ang mga ulat na lumalabas sa official Facebook page ng PRO4B na “zero accomplishment” vs illegal gambling dahil sa wala itong naitatalang naaresto ni isang gambling Lord/Operator ang mga nabanggit na mga PNP officials sa kabila ng mga lantad na Pergalan (Perya-sugalan) tulad ng “pulat-puti, color games, baklay at drop ball baraha” ang pinagpipiyestahan gabi-gabi ng mga adik, sugarol at mga kabataan na nagkalat sa bayan ng Pinamalayan, Bansud, Mansalay, Naujan, Bongabong, Bulalacao, Roxas, Gloria, Socorro, Victoria, Pola, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, at Calapan Oriental Mindoro. – Parang mga kabute rin itong nagsulutan sa bayan ng Mamburao, Sablayan, Rizal, Abra de Ilog, Calintaan, Looc, Lubang, Magsaysay, Paluan, San Jose, at Sta. Cruz, Occidental Mindoro ay mistulang nababalewala ang ibinabang “Safer Cities Initiatives” ni Remulla at “Internal Cleansibg” ni PNP Chief, Jose Melencio Nartatez, dahil sa PAMAMAYAGPAG at hindi mapahintong operasyon ng sugal sa Perya maging ang STL bookies jueteng na talamak din sa dalawang probinsya.
Ayon source ang pamamayagpag ng gambling operation sa nasabing mga lalawigan ay protektado ng ilang mataas na opisyal ng PNP at ng maimpluwensiyang mga pulitiko sa pamamagitan umano ng mga kilalang bagman ng S2, R2 at CIDG na alyas Sgt. Manalo, Leynes, Nonoy, Raymond, Guco at Nani na kapustahan ng mga bigtime na gambling operator kaya balewala ang direktiba ni Remulla at Nartatez na ipatigil ito.
Ang nakakabwisit mga NAG-IINOM sa kalye at NAGHUHUBAD sa papmpublikong lugar lang ang kayang arestohin. Samantalang noturyos ang sugal na walang pinag-kaiba sa droga dahil nakakaadik din ito at nakakasira ng buhay at pamilya?
May follow up pa. ABANGAN!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com