Advertisers

Advertisers

Olympics sa Senado!

0 13

Advertisers

Ayon kay Tata Selo ay tila pinaglalaruan lang tayo ng ilang senador at mga bisita nila sa ginaganap na pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Mangyari ang iba nambobola lang at nililihis ang diskusyon. Pumapalo pero guilty rin. Humahataw nguni’t may pinoprotektahan. May foul ng foul.

Mayroon pa ngang dapat ejected na dahil sa dami ng technical violation.

Yung mga resource person takot na takot sa kanila kasi maaangas na akala mo malilinis.

Siyempre seryoso naman ang karamihan upang lumabas ang buong katotohanan.

Nguni’t taon-taon nagsasagawa ang Senado ng real na aktibidad na sports. May tradisyon silang mini-Olympics para sa mga opisyales at empleyado.

Eka nga ay para sa pagkakaisa at malusog na pangangatawan ng lahat.

Nitong Huwebes ay nagsimula ang paliga para sa taong ito na bahagi ng ika-109 na anibersaryo ng Mataas na Kapulungan.

Halos kasabay ito ng break nila para mas maraming makasali.

Pero ayon sa isang kawani ng isang senador ay madalas hindi sila nakakalahok dahil tuloy kanilang serbisyo kahit tigil ang mga sesyon

May baskerball, volleyball, bowling, badminton, chess, golf, table tennis at billiards.

Mayroon ding best group dance at best muse competition na idinaraos sa GSIS Gym na katabi lang ng kanilang opisina.

May panahon na bahagi ng basketball na koponan sina Sen Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Sen Bong Go at pati si Sen Sonny Angara.

Si Sen Kiko Pangilinan maaaring maging player sa volleyball. Varsity member siya noon sa UP.

Dito sila ang pinapawisan pero sa BRC hearing taong-bayan ang gaminggo ang pawis sa inis.

***

Hindi umabot si Allan Caidic sa event ng PBA@50 sa Meralco Theater pero nakarating siya sa opening game.

Nagbakasyon si Triggerman sa Canada kasama ang mga anak.

” Sayang nga,” wika ni Allan.

Nakuha naman niya ang mga memorabilia ng liga gaya ng shirt at jacket.

***

Paborito ang Warriors kontra Lakers sa paghaharap nila sa ika-21 ng Oktubre.

Kasi kahit homecourt ng purple and gold ang laban ay may injury naman si LeBron James.

May sciatic pain si LBJ na iniinda samantalang kumpleto sina Steph Curry.

Dapat maganda laro nina Luka Doncic at Austin Reaves Kailangan may mag-step up pa sa ibang kakampi upang madaig nila ang Golden State.